Shantelle Kristina
"Zeyrone halika, kiss mo naman si Mommy." Ang laki ng ngiti ni Zeyrone habang patakbong lumalapit sa akin bitbit bitbit ang paborito nitong laruan na action figure na spiderman.
Lumuhod naman ako para mapantayan at salubungin ito.
Pagkalapit na pagkalapit nito sa akin ay nagkiss agad ito sa labi ko.
"Dito pa." Turo ko sa kanang pisngi ko at sumunod naman ito sabay halik.
"Kabila pa." Turo ko naman sa kaliwang pisngi ko, humalik naman ulit siya doon.
"Love mo pa si Mommy." Hirit ko pa kay Zeyrone na ang ibig sabihin ng love ay yayakapin nya ako. Yumakap sya sa akin sabay sabi nya ng...
"Lalab.." na ibig sabihin nya ay "love love" dahil nga sa bulol pa ito.
"Love na love ka ni Mommy." Galak na galak na sabi ko dito dahil damang dama ko na mahal na mahal din ako ng anak ko at sobrang sarap sa pakiramdan kapag niyayakap ako ni Zeyrone ng ganito kahigpit. Muli ko itong hinalikan sa pisngi at kinarga na papasok ng bahay.
"Zeyrone... Zeyrone... baby ko." Dahan dahan akong dumilat at tinignan ang yakap yakap ko. Lumingon ako sa gilid ko pero puro unan ang nakapaligid sa akin maging ang yakap yakap ko.
"Zeyrone, baby ko?" Tawag ko rito. Hindi ko alam pero nainibago ako sa paligid.
Nasaan ba ako?
Ilang saglit pa ay nakita ko si Ram, nagsalita ito pero hindi ko narinig ang sinabi niya sa akin, maya maya pa ay lumabas ito, nakabenda pa ang kaliwang braso nito at iika ika pang maglakad. Pagpasok ulit nya ay may kasama ng babaeng nakaputi.
Ngumiti ang babae sa akin hanggang makalapit sila ni Ram sa akin. May mga nahagip pa ang mga mata kong pumasok sa silid ko pero natuon ang tingin ko kay Ram. Ang tagal nilang nakatingin sa akin. May sinasabi ang babaeng nakaputi pero hindi ko ito marinig.
"Kristina..."
"Kristina..." Doon na ako nakarinig ng umupo sa tabi ko si Ram at hinaplos haplos ang pisngi ko.
"R-Ram." Sambit ko. Muli akong luminga sa paligid at napagtanto kong nasa loob lang ako ng kwarto namin ni Ram. Pero nandidito rin sina Ninong, Ninang, Mama at Papa.
"May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?" Masuyong tanong nya sa akin. Doon na nagbalik sa alaala ko ang lahat, ang nangyari.
"Ram si Zeyrone! A-Ang anak natin... kinuha sya ni Uncle, Ram kunin natin sya! Baby pa yung anak natin, umiiyak sya 'pag hindi nya kilala yung kumakarga sa kanya. Hindi nya kilala si Uncle, baka saktan—" kinabig ako ni Ram at niyakap.