Chapter 9:

14.3K 242 26
                                    

Shantelle Kristina



"Good Morning hija, halika na at sabayan mo na kaming mag almusal." Aya sa akin ni Ninang ng pababa ako ng hagdan. Lumapit na ako sa kanila na nasa hapag na at kumakain kasama si Ram. Ngumiti si Ninong sa akin at inaya akong maupo sa tabi nito.



"Hindi ka na namin ginising kagabi ng dumating si Ram, gabi na rin kasi ito nakauwi kaya sinabi ko na ngayon na lang kayo bumalik ng Maynila." sabi ulit ni Ninang habang pinag sasalin ako ng gatas sa baso.



"Salamat po." sabi ko rito saka sumimsim ng gatas. Napatingin ako kay Ram ng salinan ako nito ng sinangag na kanin sa plato ko. Hindi ko alam kung masisiyahan ako sa ginawa nya, pero alam ko namang pakitang tao nya lamang ito dahil kaharap namin sina Ninong.



"S-Salamat." baling ko rito. "Ako na." muling sabi ko ng magtatangka naman itong lagyan ng pritong itlog ang plato ko. Kinuha ko na yung kutsara at ako na ang nagsalin ng ulam ko.



Pagkayari naming kumain ay nag ayos na rin ako ng aking sarili para sa pagbalik ng Maynila. Bago kami umalis ni Ram ay hindi ko na naman napigilan ang maluha ng magpaalam kay na Ninong. Pero pilit kong itinago ang luha ko kay Ram dahil baka mainis na naman ito sa akin.



Habang nasa sasakyan ay tahimik lang ako. May mangilan ngilan pa ring luha ang nahuhulog sa mga mata ko kaya kahit nangangawit na ang leeg ko ay sa bintana lang ako nakatingin para hindi ako mapansin ni Ram.



Ilang sandali lang ay huminto na ang sasakyan, pero alam kong wala pa kami sa condo ni Ram.



"Mag grocery muna tayo, wala na tayong stocks sa bahay." sabi nito saka bumaba ng sasakyan. Agad kong inayos ang sarili ko ng buksan ni Ram ang pintuan sa tapat ko. Inilahad nito ang kamay nito sa akin. Nag aalangan akong abutin iyon dahil kaya ko namang bumaba mag isa. Nang sa tingin nya ay wala akong balak abutin ang kamay nyang nakalahad ay sya na ang humawak sa kamay ko habang ang isa pang kamay nito ay iniharang nya sa bubong ng sasakyan para hindi tumama ang ulo ko doon kung sakaling mauuntog ako.



Wala na kami sa harap nina Ninong kaya hindi na nya kailangan umarte na mabait sa akin.



Hanggang makapasok kami ng grocery ay nakaalalay ang kamay nito sa likuran ko. Hindi ko na lamang pinansin iyon kahit na hindi ako komportable sa inaakto nya.



Nakasabay lang ako paglalakad sa tabi ni Ram habang tulak tulak nya yung push cart. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako. Naalala ko na naman yung araw na nakita ko si Uncle. Natatakot ako na baka nandito lang sya sa paligid.



Sobrang alerto ako sa mga tao sa paligid, pati na rin ang mga taong nakakasalubong ko.



"Kapag may gusto ka, kunin mo lang at ialagay sa cart." bahagya lang akong lumingon kay Ram ng magsalita ako. Tumango lang ako sa kanya kahit na wala naman akong balak dumampot ng mga bilihin dito.



Ilang saglit lang ay huminto si Ram sa pagtulak ng cart. Nasa aisle kami ngayon ng mga gatas. Huminto rin ako sa paglalakad at pinagmamasdan lang ang lahat ng mga taong bumubili rin. Samantalang si Ram ay kinakausap na ngayon ang isang dizer, mukhang may tinatanong sya tungkol sa gatas na hawak hawak nya ng may-"Aah!"



Napasalampak ako sa sahig ng may bumundol na push cart sa likuran ko.



"Kristina!" nabitawan ni Ram ang kaninang hawak nitong gatas saka patakbong lumapit sa akin.



"Bullshit man! Are you blind?! Watch your fucking way! My wife is pregnant!"



"S-Sorry pare, may tumawag kasi sa likuran ko kaya hindi ko sya napansin." sagot nung lalaking nakabundol sa akin. Lumapit rin ito sa akin para tulungan ako sa pagtayo pero-"Get off your hands!" bulyaw ni Ram doon sa lalaki sabay tabig ng kamay nito.



Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon