Chapter 44:

9.3K 151 9
                                    

Shantelle Kristina


Nang makasakay na ako ng taxi ay patuloy pa rin ako sa pagcontact ko sa number ni Mama. Walang ampat ang pagtagas ng luha ko.


Bakit hindi sinasabi sa akin nina Mama ang nangyayari? Ano ba talaga ang nangyari?!


Matapos ang anim na ring ay may sumagot na rin.


"Ma! Nasaan po si Ram? Bakit hin-"


"Umuwi ka na hija." Putol nito sa pagsasalita ko.


"Hindi Ma, nasaan po si Ram? Anong nangyari sa kanya? Bakit po hindi nyo sa akin sinasabi?"


"Basta umuwi ka na lang." Magsasalita pa sana ako pero naputol na ang tawag. Napasapo ako ng mukha at mas umiyak.


Nang makarating na ang taxi sa bahay ay agad akong bumaba pagkabayad ko.


"Ma!" Tawag ko agad kay Mama pagkapasok ko ng bahay. Pero ganun na lang din ang pagkabigla ko sa nakita ko.


"Ram?" Lahat sila ay nasa sala. Binitawan ko ang bag ko at tumakbo papunta kay Ram na nakaupo sa sala saka sinunggaban ng yakap.


"Hija!" Alalang tawag ni Mama dahil sinunggaban ko si Ram ng yakap.


"Kristina... a-ah!" Napakalas ako ng yakap ng dumaing ito. May benda pa ito sa kaliwang braso nito. Patuloy lang ang pag iyak ko ng bumaling ako kina Mama.


"B-Bakit hindi nyo po sinabi s-sa akin na nagising na si Ram? B-Bakit-"


"Ssshh..." hinagod hagod ni Ram ang likuran ko dahil sa pag iyak ko. Naiinis lang naman kasi ako. Hindi agad sa akin sinabi nina Mama. Grabe ang kabang naramdaman ko kanina ng makita kong wala na si Ram sa silid nito sa hospital kanina.


"Sorry hija." Rinig kong sabi ni Papa kaya sa kanya naman ako bumaling.


"I will explain it to you Kristina. Im sorry." Si Ram naman ang binalingan ko ng magsalita ito. Sobrang miss na miss na miss ko sya kaya muli akong yumakap dito, pero dahan dahang yakap.


"N-Natakot ako Ram... a-akala ko... akala ko iniwan mo na kami." Iyak ko sa balikat nito.


***


Kinagabihan ay nasa kwarto lamang ako. Syempre nandun si Ram at Zeyrone. Hindi ko alam pero ayaw ko talagang humiwalay sa tabi Ram.


Nakahiga ito ngayon sa kama at natutulog. Hindi pa ito kumakain dahil kanina pa ito natutulog. Kanina ko lang din nalaman kina Mama na noong isang araw pa pala nagising si Ram. Si Ram din ang nagsabi kina Mama na huwag na muna akong papuntahin ng Hospital dahil nabanggit ni Mama na nagkakasakit daw ako kakapabalik balik ng hospital.


Kaya pala ayaw na kong papuntahin nina Mama sa hospital dahil inutos iyon ni Ram. Nakakainis lang yung lalaking iyon. Hindi nya ba alam kung gaano ako nag alala at kinabahan?


Pero ayos na rin dahil laking pagpapasalamat ko at nagising na sya... na ligtas na sya.


Pero hindi pa sana sya pwedeng lumabas ng Hospital. Pinagpilitan lang ni Ram kahit hindi pa talaga maayos ang braso nya. Pumayag na rin ang doktor pero kelangang sundin ang mga payo nito para sa agarang paggaling nito.


Hinawi ko ang ilang buhok ni Ram sa noo nito habang pinagmamasdan ko itong natutulog.


Sobrang mahal na mahal ko na talaga ang lalaking ito at hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari talaga sa kanyang masama.


Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon