Chapter 51:

8.3K 114 8
                                    

Shantelle Kristina



Nasa Garden kami ni Zeyrone. Ako ay nakaupo at panay ang himas ko sa aking tiyan habang pinapanuod si Zeyrone na naglalaro sa damuhan, bitbit bitbit nito ang paborito nitong laruan. Kahit ilang naglalakihan at mas naggagandahang laruan ang ibili ni Ram kay Zeyrone, mas pinipili pa rin palagi nito ang action figure na spiderman na laruin ito.



Maaakit lamang ito sa una kapag bago sa paningin nya ang laruan na ibibili ka sa kanya ng Daddy nya, pero sa mga susunod na araw, babalikan nya ulit ang 'Aman' nya. Yun yung tawag nya sa Spiderman nya, hindi nya pa kasi kayang bigkasin ng buo ang Spiderman.



Maya maya lamang ay nakita ko ng lumabas ng pinto si Ram. Muli akong lumingon kay Zeyrone ng tumingin sa akin si Ram.



Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa kanya dahil sa nangyaring sagutan namin kagabi. Kung pwede nga lang na huwag na munang magpakita sa kanya ay di muna ako magpapakita dahil nahihiya pa talaga ako.



Gusto ko ng tumayo at umalis ng papalapit na sya sa amin. Kagabi, nang umalis ako sa kwarto ay hindi naman na niya ako hinabol, sa kwarto rin ako ni Zeyrone natulog. Naramdaman ko naman ang pagpasok nya ng kwarto ng kalagitnaan na ng gabi. Nagtulog tulogan na lamang ako.



"Daddy..." sabi ni Zeyrone ng makita na rin nito si Ram na papalapit sa amin.



"Oh, are you playing?" Pumantay ito kay Zeyrone ng lumapit ito sa kanya. Kapag ganyan, alam na ni Zeyrone na makikipaglaro sa kanya ang Daddy nya, pero nakabihis si Ram at papasok na sa trabaho kaya inaliw aliw nya lang saglit si Zeyrone. At nang kumalas na si Zeyrone sa tabi nya ay saka na unti unting lumayo si Ram.



Kapag kasi lumapit si Zeyrone kay Ram at may dalang laruan, ang ibig sabihin nun ay makipaglaro ka sa kanya, o kaya kapag lumapit na si Ram kay Zeyrone habang naglalaro ito, alam nyang makikipaglaro sa kanya ang Daddy nya.



Hiniling ko na huwag na lang munang lumapit sa akin si Ram, pero imposible namang mangyari iyon. Hindi ko kasi alam kung paano ko sya haharapin, nahihiya pa talaga ako.



Hindi ko sya pinansin ng umupo sya sa tabi ko, nanatiling tutok ang mga mata ko kay Zeyrone.



"Hindi pa ba tayo ok?" Sabi niya matapos ang ilang segundong katahimikan. Yumuko ako at tumingin sa tiyan kong hinahaplos haplos ng kamay ko. "Galit ka pa rin ba sakin?" Muling tanong nya.



Umiling na lamang ako ng hindi sya tinitignan.



Hindi naman ako galit sa kanya. Nagtampo lang siguro, naiinis dahil akala ko ay ayaw na nya sa akin. Ganun siguro talaga ang babae kapag nagbubuntis, nakakapag isip ng kung ano ano, pakiramdam natin inaayawan na tayo ng asawa natin dahil sa nag iiba na ang hitsura natin kapag nagbubuntis. Naliwanagan naman na ako sa sinabi nya sa akin kagabi na naiilang lang sya na gawin na namin yun.



"Kung ano man ang nagawa ko o hindi ko nagawa... I'm sorry." Nanatili akong nakayuko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.



"Kristina." Bahagya pa syang umisod papalapit sa akin at hinawakan ang isang kamay ko gamit ang dalawang kamay niya at dinala sa kanyang labi. "Please talk to me..."



Tumingin na ako sa kanya.



"M-Mahal mo pa ba ako?" Hindi ko alam pero iyon ang nasabi ko.



Saglit syang lumingon sa ibang direksyon saka iiling iling na muling tumingin sa akin.



"Alam mo nasasaktan na ako kapag tinatanong mo ako ng ganyan." Sagot niya. "Hindi mo na ba nararamdaman yung pagmamahal ko?"



Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon