Shantelle Kristina
"Mommy what are you watching?" lumapit si Shyll sa akin dala dala ang tablet nito. Wala naman talaga akong pinapanuod, nilipat ko lang ng nilipat yung channel at nakita kong ngayon pala yung Royal wedding nina Prince Harry at Mhegan.
"Kasal ng kapatid ng Royal Prince." sagot ko kay Shyll. Kinarga ko ito at inupo ko sa binti ko.
"Bakit sila nagkasal?" muling tanong nito.
"Kasi mahal nila ang isa't isa, kaya ikinasal sila. Bubuo sila ng family kagaya natin. Magkakaroon sila ng mga cute na babies katulad mo, ni Kuya Zace at Kuya Zeyrone."
"Magkakaroon din sila ng Kuya Zeyrone na hindi namin nakikita?" natawa ako sa sinabi nya.
"Sana huwag kasi malungkot magkaroon ng kuya na hindi nakikita." paliwanag ko,
"Opo, pero Mommy nagkasal din kayo ni Daddy like them?" turo nito sa pinapanuod namin, tumango ako.
Oo kinasal ako pero naalala ko nung araw na ikinasal ako kay Ram. Hindi ako masaya, puno ng takot ang puso ko ng ikasal ako. Pero naisip ko, ok na rin iyon, alam kong hindi ako masaya sa araw na iyon at hindi iyon ang pinangarap kong kasal pero masaya naman na ako ngayon.
Napangiti na lamang ako habang inaalala ko ang mga nangyari sa akin noon, noong araw na ikinasal ako.
"Im thirsty." sabi ni Shyll at akmang bababa.
"Ako na baby, dito ka na lang, ako na ang kukuha ng tubig mo." inayos ko muna ng upo si Shyll sa sofa bago tumungo ng kusina. Pagkapunta ko ng kusina ay nakita ko si Zace na pababa ng hagdan.
"Zace anong ginagawa mo sa taas?" tanong ko.
"I'm playing Mommy, I feel hungry so I---"
"Sige, gagawan kita ng sandwich gusto mo ba yun?" putol ko rtio.
"Yes!" tuwang tuwang sabi nito.
"Sige, ituloy mo na ang paglalaro mo sa kwarto mo, aakyatan na lang kita ng pagkain doon. Pero mamaya maliligo na kayo dahil ihahatid kayo ng Daddy nyo mamaya kina lolo at lola nyo."
"Yes Mommy!" sagot nito saka nagtatakbo na paakyat ng hagdan.
Maagang uuwi si Ram mamaya dahil ihahatid nya ang kambal kina Mama at Papa. Doon muna ang kambal ngayong weekends dahil namimiss na daw nila. Malapit rin kasi ang kambal sa lolo at lola nila. Minsan kapag weekends ay doon sila nag-istay, minsan ay dumadalaw lang kami.
Bago ko iakyat yung sandwich ni Zace sa kwarto nito ay inabot ko muna yung tubig na hinihingi Shyll.
"Mam Shantelle, ako na lang po ang maghatid ng sandwich ni Zace sa kwarto niya." pagpeprisinta ni Ate Malou.
"Okey lang po Ate Malou, ako na lang po. Salamat po."
Hawak hawak ko na ang isang baso ng tubig at naglakad na papuntang sala ng bigla akong makaramdam ng hilo.
Napasandal tuloy ako sa pader at nabitawan ko ang basong hawak ko dahilan para mabasag ito.
"Naku Mam Shantelle!" agad na tumakbo si Ate Malou papunta sa akin.
