Chapter 17:

11.7K 180 12
                                    

Shantelle Kristina




Pagmulat ko ng mga mata ko ay agad akong napatingin sa gilid ko.




Magdamag kaya akong binantayan ni Ram kagabi?




Bumangon na agad ako at lumabas ng kwarto, paglabas ko ay agad kong nakita si Ram sa kusina na abala sa paghahanda ng almusal. Lumakad na ako at lumapit dito.




"Good Morning." Salubong agad na bati nito sa akin saka ngumiti. Pilit akong ngumiti dito at tumingin sa mga pagkaing hinahain nito.




"Have you wash your face?" Sabi nito ng lumapit ito sa akin. Dumapo ang daliri nito sa sulok ng mata ko at may tinanggal na kung ano doon. Hindi ko alam kung ano ba ang hitsura ko, kung may muta o panis na laway ba sa gilid ng labi ko. Hindi ako naghilamos o nagtoothbrush man lang dahil lumabas agad ako ng kwarto.




"Do you want to take a quick shower before eating breakfast?" Muling tanong nito. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko at inipit sa likod ng tenga ko.




"A-Ayoko." Tipid kong sagot, saka muling bumaling sa mga pagkain sa mesa.




"Come here." sabi nito saka ako hinila papasok ulit ng kwarto. Kumuha ito ng tuwalya.




"Ram ayoko." pilit kong inaalis ang pagkakahawak nito sa kamay ko pero hindi ako nito binibitawan.




"Dito lang ako, hihintayin kitang matapos." Binuksan nito ang pintuan ng banyo at sapilitan akong pinapapasok sa loob.




"Ram ayoko nga, a-ayoko sabi." Pilit ko itong tinutulak para makalabas ako pero hinaharang nito ang katawan nito sa pintuan.




"Sige na, dito lang ako sa labas ng pinto. Babantayan kita habang naliligo ka."




"A-Ayoko, palabasin mo na ako. Ayoko talaga Ram, p-parang awa mo na." ayoko talagang pumasok ng banyo. Natatakot pa rin ako. Pakiramdam ko, lalabas ng lalabas si Uncle sa kahit saang sulok ng banyo at kukunin ako.




"Walang gagalaw sayo dyan sa loob. Huwag ka ng matakot, wala na ang Uncle mo, hindi ka na nya makukuha." Umiling pa rin ako ng umiling rito habang umiiyak, ayoko talaga.




Binitawan na ni Ram ang pagkakahawak sa kamay ko at sapilitang sinarado ang pintuan.




"Ram! P-Palabasin mo ako dito. A-Ayoko nga dito. N-Natatakot ako. Ram..." pinagbabayo ko na ang pintuan para buksan nya ito. Hindi ko rin ito mabuksan dahil sa may lock iyon sa labas.




"Ram parang awa mo na, b-buksan mo na itong pinto!" Iniisip ko pa lang na mag isa na ako sa banyo at muling bumabalik sa utak ko yung nangyari kahapon, talagang matinding takot na ang nararamdaman ko.




Minsan ko pang binayo ang pintuan at saka sumigaw. "Raaaam!"




Ilang saglit lang ay bumukas na ang pintuan at niyakap ako ni Ram.




"Shhh... sige na, sige na, hindi na." Hinagod nito ng hinagod ang likod ko. Sumubsob na lamang ako sa dibdib nito at umiyak ng umiyak.




"Tahan na, sorry... Nandito lang naman kasi ako sa labas, hindi naman kita iiwan." Alo nito sa akin pero mas lalo lamang akong umiyak rito.



"Okey, if you're still scared then i'll give you a bathe."




Habang yakap yakap ako nito ay dinala ako nito sa tabi ng bathtub. Saglit ako nitong binitawan at tinubigan ang bathtub, pagkatapos ay pinabula nya na rin ito.




Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon