Shantelle Kristina
Tatlong araw simula ng lumabas ako ng hospital. Sa bahay na nina Mama na ako dumiretso dahil nandodoon na si Zeyrone at ang mga gamit namin. Pero si Ram, nananatili pa ring walang malay. Kung pwede nga lang na sa hospital na rin ako tumira gagawin ko. Kaso nga lang ay may anak rin akong kelangan kong asikasuhin.
"Da...da.. da."
Napatingin ako kay Zeyrone na nakaupo sa kama at naglalaro. Inaayos ko kasi ang mga gamit ko dahil maya maya lang ay pupunta na ulit ako ng hospital.
Lumapit ako rito at kinarga.
"Anong sabi mo Baby Zeyrone?"
"Da..da." nakatingin ito sa hawak hawak nitong laruang tau tauhan. Iyong laruang iyon ang kauna unahang binili ni Ram para kay Zeyrone.
Nanggilid na naman ang luha ko. Kinabig ko si Zeyrone at niyakap.
"Namimiss mo na ba si Daddy? Gusto mo na ba ulit syang makalaro?" Umingit ito kaya muli ko itong nilapag sa kama.
"P-Pasensya ka na baby Zeyrone. Kasalanan ni Mommy kung bakit wala ngayon si Daddy sa atin." Alam kong hindi naman ako nito naiintindihan. Pero patuloy ko pa rin itong kinakausap.
"Kung pwede lang kitang dalhin sa hospital para makita mo si Daddy dadalhin kita. Pero, hindi pwede eh, baby ka pa. Pero inaalagaan ko naman si Daddy kahit nasa hospital sya. Gigising na rin si Daddy. Hindi nya tayo matitiis." Pinunasan ko na ang luha ko at bumalik sa ginagawa ko.
Nang maayos ko na ang dapat kong ayusin ay muli ko na namang hinabilin si Zeyrone kay Ate Malou.
Tinawagan ako ni Papa na hintayin nya ako sa bahay para ihatid nya ako sa hospital. Humindi na lamang ko dahil alam kong pagod na rin silang magpabalik balik sa hospital.
Sa totoo lang, nahihiya talaga ako kina Mama at Papa. Sa katunayan nyan, ilang beses rin akong nanghingi ng paumanhin sa kanila. Pero sabi nila, hindi ko daw kasalanan, wala daw akong kasalanan. Pero ganunpaman, humihingi pa rin ako ng paumanhin sa kanila.
Nasa lobby na ako ng hospital at nagtanong kung saan pwedeng humingi o bumili ng gamot. Bigla na lamang kasing sumakit ang ulo ko, siguro ay dala ng init ng panahon. Tanghaling tapat na kasi ako bumyahe.
Habang naghihintay ako sa nurse na kumuha ng gamot ay nakita kong papalapit sa akin si Lexy.
Bakit sya nandidito?
Nabigla na lamang ako ng lumanding ang kamay nito sa pisnge ko ng makalapit ito sa akin. Parang naalog ang utak ko sa lakas ng pagkakasampal nya. Parang mas lalong sumakit ang ulo ko.
"Bitch! What did you do to Ram!" Muli na naman sanang lalanding ang kamay nito sa mukha ko pero sinalag ko ito at ako ang sumampal sa kanya.
"Aah! You really-" hahablutin sana nito ang buhok ko pero agad kong nakuha ang gunting na nakalagay sa pencil holder ng mga nurse na nasa table.
"Sige subukan mo!" Sabay tutok ko ng gunting sa mukha nya kaya napaatras ito. Maya maya lamang ay may lumapit na sa aming security guard para awatin kami.
"Killer! If something bad happens to Ram. I'm going to sue you, bitch! Murderer!" Dinuro duro pa ko ni Lexy habang nakapagitan sa amin ang guard. Pinagtitinginan na rin kami ng mga taong nasa waiting area.
