Chapter 29:

11.9K 215 26
                                    

Shantelle Kristina



Dumiretso kami sa kwarto kung saan ko iniwan si baby Zeyrone, tulog pa rin ito. Sinabihan ni Ram si Ate Malou na lumabas muna. Lumapit ako sa kama at umupo doon para tignan si baby Zeyrone.



"Kanina pa kita pinatawag kay Malou bakit hindi ka pa rin pumunta dito?" Lumapit sa akin si Ram habang nakapamaywang.




"Kumakain pa kasi ako kanina. Nagugutom na ako-"



"Do you really want me to start a fight outside? I told you that your dress is too revealing so why the hell did you take off your blazer?" Gumalaw si baby Zeyrone sa pagkakahiga nito at nagising dahil sa pagtaas ng boses ni Ram.



"Ram, bakit ba sumisigaw ka?" tinapik tapik ko ang binti ni baby Zeyrone para muli itong makatulog pero umingit na ito.



"Iuuwi ko na kayo." Sabi nito, maya maya lang ay pumasok si Mama sa kwarto.



"Nandito pala kayo, hinahanap kayo ng Papa nyo. Ram, may mga naghahanap-"



"Excuse me 'Ma." hindi na natapos ni Mama ang sinasabi nito ng putulin ito ni Ram at saka lumabas ng silid. Napatingin na lang kami pareho ni Mama kay Ram ng lumabas ito.



"May problema ba?" baling ni Mama sa akin. Kinarga ko na si Baby Zeyrone dahil wala ng tigil sa pag ingit ito.



"W-Wala naman po, gusto na po yatang umuwi ni Ram." nasabi ko na lang.



"Ha? Bakit?" Tanong nito. Nagkibit balikat na lamang ako. "Akin na muna si baby Zeyrone, lumabas ka muna doon at magpakita sa Papa mo kung uuwi na kayo. Baka sumama ang pakiramdam nun ni Ram kaya nag aaya ng umuwi."



Tumango na lamang ako saka inabot kay Mama si Baby Zeyrone.



"Sige po 'Ma, sunod na lang po ako sa labas." Nauna ng lumabas si Mama. Muli kong kinuha ang blazer ko at isinuot saka lumabas. Pagkalabas ko ay hinanap ng mga mata ko si Ram pero hindi ko ito makita.



"Oh hija, aalis na rin ba kayo?" tanong ni Papa ng makalapit ako sa table nila kung saan nandoon din sina Ninong at Ninang. Si Ninang na ngayon ang may hawak kay Baby Zeyrone.



"Ahm, si Ram po kasi gusto ng umuwi." Patuloy pa rin ako sa paglinga sa paligid.



"Ah may lakad yata siya. Nauna nang umalis."



"Po?" Umalis na si Ram. Ano na naman bang problema nya?



"Oo, ano uuwi na rin ba kayo nitong apo ko o sasabay na kayo-oh teka? nandyan pa pala si Ram. Akala ko ay umalis na." napatingin rin ako sa likuran ko ng tumingin doon si Papa. Nasa bukana ng entrance si Ram at kausap na naman yung babaeng kaninang kausap nya. Sino ba yung babaeng iyon?



Ilang saglit pa ay tumingin na si Ram sa direksyon namin. Mukhang nagpaalam ito sa babae dahil nagtanguan ito pero laking gulat ko na lang ng halikan nito si Ram sa pisngi. Tumalikod na ako at hindi na humarap kay Ram.



"Uuwi na po kami Papa ni Baby Zeyrone. Magpapahatid-"



"Ihahatid ko na kayo ni Zeyrone sa bahay." putol ni Ram sa akin na nasa likuran ko na pala.



"Oh mabuti pa nga. Paalis na rin naman ang mga bisita. Mauna na kayong umuwi para makapagpahinga na ng maayos si baby Zeyrone." si Mama.



Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon