Shantelle Kristina
Bahagya akong napadilat dahil may nararamdaman akong humahalik halik sa braso ko.
"Good Morning." Nakangiting bati nito. Ngumiti rin ako at muling pumikit, antok na antok pa talaga ako. Tumagilid ako at isiniksik ang sarili ko kay Ram. Humigpit naman ang yakap nito sa akin at hinalik halikan ang mukha ko.
"Ram... inaantok pa ako." Umalis na lamang ako sa pagkakasiksik sa kanya at saka dumapa. Ipinaling ko sa ibang direksyon ang ulo ko, gusto ko pang matulog pero ginugulo ako ni Ram. Halos alas tres na ng madaling nya ako nilubayan. Hindi ko akalaing ganun pa rin sya katindi, kunsabagay, halos ganun din ang ginagawa nya sa akin noon. Parang hindi sya napapagod. Ayaw nya pa sana akong tigilan pero latang lata na talaga ang katawan ko.
"Okey I'm sorry. Just continue to sleep. I won't disturb you." Umungol lang ako bilang sagot ko rito. Naramdaman ko ulit ang paghalik nito sa mukha ko, inayos rin nito ang kumot na tumatakip sa hubad kong katawan. Ilang saglit lang ay hindi ko na alam ang mga nangyari dahil talagang hinihila ako ng antok.
Hindi ko alam kung ilang oras na ba ako nakatulog. Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kinapa ko iyon sa mesang nasa gilid ko, hindi ko na nasilip kung sino iyon, basta ko na lamang sinagot.
"Hello." sagot ko, unti unti ko ng iminulat ang mga mata ko.
[You're still sleeping?]
Napabalikwas ako at napatingin sa crib ni Baby Zeyrone. Naku! Anong oras na ba?
"Ram-" tumingin ako sa orasan.
1:47 na?
Ano ba 'to? 1:47 ng madaling araw o hapon?
"Ram, bakit ang tagal kong natulog, saka-sige na Ram, mamaya na lang, si Baby Zeyrone-"
[Hey, hey relax. It's okey, binilin ko si Zeyrone kina Mama. Just rest and sleep, don't worry okay? I told them not to disturb you.]
Itinaas ko ang kumot sa dibdib ko dahil sa natanggal ito. Nakahubad pa rin pala ako.
[Hey, you still there?]
"Bakit di mo ako ginising, nasaan ka ba? Nasa trabaho ka ba?" Humikab pa ako pagkatapos kong magsalita. Narinig ko naman ang pagtawa nito sa kabilang linya.
[Nasa office ako. Talaga bang napagod kita kagabi?]
Pakiramdam ko ay nag init ang pisnge ko at may kung anong kiliti akong naramdaman sa sikmura ko dahil sa sinabi ni Ram. Naalala ko tuloy ang mga nangyari kagabi.
"Oo." Pabiro kong sagot sa tanong nya. Muli itong tumawa kaya natawa na rin ako. Ang sarap lang pakinggan ng tawa ni Ram sa cellphone.
[But because of what happened last night. It gives me so much energy today.] Bumuntong hininga na lamang ako sa sinabi nya.
[Kumain ka na muna, pagkatapos mong kumain, you can go back to sleep again. Don't worry about Zeyrone.]
"Ikaw ba kumain na?"
[Hindi pa rin, hinihintay kitang magising. Kain na tayo?]
"Ikaw talaga, sige na nga." Pagkarapos kong magpaalam kay Ram sa cellphone ay bumaba na ako ng kama. Sakto namang kumatok si Mama.