Chapter 57:

8.3K 115 5
                                    

Shantelle Kristina



Akala ko magiging hindi maganda ang paghaharap naming tatlo nina Ram at Lexy. Nagpaalam lamang si Lexy kay Ram at siguro ay maging sa akin na rin dahil nagsabi rin siya. Humingi sya ng kapatawaran sa mga masasamang nasabi nya sa akin noon at nabalitaan nya rin ang pagkawala ng anak namin ni Ram.



Lilipad na ng Brazil si Lexy para ipagpatuloy ang carreer nito noon na naudlot dahil nga sinundan nito si Ram dito sa Pilipinas.



Ayos naman na ang lahat, ayos na ang lahat sa pagitan naming tatlo. Wala rin naman na akong selos na nararamdaman ng makita ko si Lexy at gusto ngang makausap si Ram. Subok ko na si Ram, subok ko na sya na ako lang talaga ang babaeng mahal nya. Hindi ko na kailangang magduda, magselos o kung ano pa man.



Mahal ako ni Ram, mahal na mahal at ramdam na ramdam ko ang sarap ng pagmamahal nya. Kaya naman wala akong ibang dapat gawin kung hindi suklian ang pagmamahal na iyon.



At habang lumilipas ang araw, buwan ay unti unti na rin naming natatanggap ni Ram na wala na talaga si Zeyrone pero ganunpaman, hinding hindi namin sya kakalimutan, magkakaanak man kami ulit, si Zeyrone pa rin ang una at panganay naming anak. May mga pagkakataong namimiss ko si Zeyrone pero nakakaya ko, kasi nandyan si Ram.



***



Katatapos lamang akong kausapin ni Ram sa cellphone dahil kinakamusta niya ako. Natawa lamang ako sa kanya dahil minuminuto nya na lang akong tinatawagan.



Kabuwanan ko na kasi at minsan ay sinusumpong sumpong na ako ng pananakit ng tiyan. Umalis din kasi si Ram ngayon dahil may importante itong aasikasuhin sa opisina, pero sabi nya na oras na matapos iyon ay uuwi na kaagad sya. Si Ate Malou lamang kasi ang kasama ko dito sa bahay. Pero mamaya maya ay pupunta na din sina Mama at Papa dito dahil pinapunta ni Ram para makasama namin.



Kamakailan kasi ay nagkataong mag isa ako dito sa bahay, sumaglit sa opisina si Ram dahil kinailangan sya doon, umalis din saglit si Ate Malou dahil may binili lang. Biglaang sumakit ang tiyan ko at yung kalapit bahay namin ang nagsugod sa akin sa malapit na hospital. Saka lang natawagan si Ram nung nasa hospital na ako pero hindi pa pala ako manganganak, false alarm lamang pala.



Sobrang nag alala noon si Ram at napagsabihan pa si Ate Malou na huwag na huwag akong iiwan ng mag isa sa bahay.



"Mam Shantelle, nakahanda na po ang tanghalian." Napatingin ako sa pintuan ng iniluwa noon si Ate Malou.



Tumango ako dito at ngumiti bilang sagot. Tamang tamang pagtayo ko ay biglang kumirot ang tiyan ko. Bumalik ako sa pagkakaupo para hintaying mawala ang sakit nito pero hindi nawala. Napapapikit na ako sa sakit dahil parang patindi na ito ng patindi, hindi nawawala at sobrang sakit na humilab.



Sinubukan ko ulit tumayo para lumakad at tawagin si Ate Malou.



Diyos ko, ito na ba talaga? Manganganak na ba ako? Sana ito na talaga ito dahil nahihirapan na ako.



Iyan ang dasal ko sa sarili ko habang sapo sapo ko ang tiyan ko at pilit na naglalakad palabas ng kwarto.



"Ate Malou!" Isang sigaw ko lamang ay agad akong pinuntahan ni ate Malou.



"Diyos ko, manganganak ka na ba talaga?" Sabi nito habang taranta sa harapan ko. Hindi malaman kung aalalayan ako o kung saan pupunta.



"Ate Malou, totoo na 'to, manganganak na po talaga ako, ang sakit na!" Pinipilit kong maglakad at bumaba ng ng hagdan.



"Te-teka, tatawagan ko po si Sir Ram." Taranta pa ring sabi nito.



Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon