Chapter 40:

9.6K 143 6
                                    

Shantelle Kristina


"Kristina." Agad nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ko ang tawag na iyon.


"Ram." Sambit ni Lexy ng pangalan nito.


"Lexy?" Rinig kong sabi ni Ram. Parang gusto ko na lamang maglaho sa kinauupuan ko. Ayaw ko na sanang malaman pa ito ni Ram, na nakipag usap ako kay Lexy, pero wala na.


"That child told me you can't come because you're busy. But she lied, you came." Sagot ni Lexy.


"What?" Nakita kong tumapat sa akin si Ram. "Kristina." Nag angat ako ng tingin. "What are-" Hindi ko na hinintay ang itatanong ni Ram, tumayo ako at dali daling umalis. Tumakbo ako ng tumakbo, nakakabangga na ako ng tao pero hindi ko na inintindi. Habang tumatakbo ay hinayaan ko na ang sarili kong umiyak.


Naiinis ako sa sarilin ko! Ang hina ko! Ang bobo ko! Ang duwag ko! Paano ko magagawang lumaban kay Lexy kung mahina at duwag ako!


"Bullshit! Stop running!" Nagulat ako ng may humigit sa braso ko kaya napahinto ako sa pagtakbo. Mas lalong nadagdagan ang gulat na iyon ng si Ram pala iyon. Taas baba ang dibdib nito, hindi ko alam kung dahil ba sa pagod gawa ng hinabol ako nito.




"Bakit ba tumatakbo ka!" Galit nitong tanong. "Anong ginawa sayo ni Lexy?


Hindi agad ako makapagsalita, taas baba din ang dibdib ko dahil sa hingal ng pagtakbo ko.


"Tinatanong kita. Bakit ka nakipagkita kay Lexy?!"


"Para sabihin sa kanya na lubayan ka na nya. Magagalit ka sa akin? Sige magalit ka na!" Sabi ko.


"Ano ba? Hindi ba't nag usap na tayo tungkol kay Lexy? Bakit nagkakaganyan ka pa rin?"


"Sorry Ram, hangga't nandidito si Lexy magseselos ako." Maiiyak iyak kong sabi.


Humugot ito ng malalim na buntong hininga saka ako kinabig at niyakap.


"It's perfectly natural and normal to be jealous. And since I am with you, please don't be. Lahat gagawin ko, sabihin mo lang sa akin ang gusto mong gawin ko mawala lang ang pagseselos mo kay Lexy."


Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabi ni Ram. Akala ko ay magagalit sya dahil sa ginawa kong pakikipagkita kay Lexy. Pero heto sya at pinakakalma ako sa nararamdaman ko. Kung mangyaring iwan ako ni Ram, hindi ko talaga makakaya dahil hulog na hulog na ako sa kanya.


***


Binukasan ko ang pinto ng kwarto habang akay akay ko si Zeyrone dahil tinuturuan na namin itong maglakad lakad.


"Yes, I'll go there and check it-" napahinto sa pagsasalita si Ram sa cellphone nito ng pumasok na kami ni Zeyrone.


"Tell Lara to wait for me. Bye."


"Aalis ka?" Tanong ko ng tapusin na nito ang pakikipag usap nito sa cellphone.


"Uhm yes." Sagot nito. Sino naman yung Lara na narinig kong binanggit nya kanina?


"Wala ka namang pasok ngayon hindi ba? Saan ka pupunta?" Muling tanong ko. Nitong mga nakaraang araw, palagi syang busy. Ginagabi ng uwi at palaging umaalis kahit Linggo.


"I will just-uh meet someone." Sagot nito.


"Yung Lara ba na narinig ko kanina?" Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng iba. Ilang saglit pa ay muling tumunog ang cellphone nito.


Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon