Chapter 46:

8.6K 129 6
                                    

Shantelle Kristina


Dumating na ang araw kung kailan lilipat na kami nina Ram at Zeyrone sa panibago naming bahay. Matagal pa ang naging diskusyunan nina Mama, Papa at Ram tungkol sa paglilipat namin ng bahay.


Dahil kung si Mama ang tatanungin ay ayaw nya na umalis pa kami sa bahay. Gusto nyang sama sama na kami doon, napakalaki naman daw ng bahay kaya bakit kelangan pa naming lumipat.


Kung ako ang tatanungin ay ayos lang naman sa akin kung bubukod kami o hindi. Pero sabi ni Ram, iba pa rin kung may sarili kaming matatawag na tahanan kung saan kami lang pamilya ang nakatira doon. Saka matagal na nya itong pinlano. Hindi ko pa naipapanganak si Zeyrone ay planado na daw nya ito at alam na rin nina Mama at Papa.


"Dadalaw palagi kayo rito ha?" Sabi sa akin ni Mama na hindi maiwasang mangilid ang luha habang akbay akbay sya ni Papa. "Malulungkot talaga ako gayong lilipat na kayo."


"Ano ka ba naman Regina, nandito ako. Hindi kita hahayaang malungkot." Ngingiti ngiting sagot ni Papa. Inirapan lamang sya ni Mama at pinahid ang gilid ng nagtutubig nitong mata.


Sana, kahit matatanda na kami ni Ram. Ganito pa rin kami, gaya ng mga magulang nya.


"Okey na ba ang lahat? Naisakay na sa kotse?" Tanong ni Ram kay Mang Paul, karga karga nito si Zeyrone. Ako na ang nagpasok ng isa ko pang bag sa loob ng kotse.


"Oh Baby Zeyrone, mamimiss ka ni Lola. Dadalaw kayo palagi ng Mommy mo dito ah." Kinuha ni Mama si Zeyrone mula kay Ram saka niyakap at hinalikhalikan.


"Ram, kada linggo ay dadalaw kayo rito." Baling naman nito kay Ram.


"Oo naman Ma." Sagot ni Ram saka umakbay sa akin.


"Pagpasensyahan nyo na ang Mama nyo at paulit ulit." Sabi ni Papa kay Mama habang natatawa tawa pa rin. Siniko ito ni Mama at bahagyang lumayo. Halatang naiinis na si Mama.


"Regina, gustuhin man natin silang manatili dito, alam mong hindi pwede. May mga bagay na kelangang hindi na tayo pwedeng makialam sa buhay nila, may pribadong buhay na rin sila na sa kanila na lamang at ang magiging ganap na lamang natin ay ang gabayan sila." Paliwanag ni Papa.


"Alam ko naman iyon Ismael, ang akin lang naman eh nasanay na akong nandito sila sa bahay, kasa kasama natin sa araw araw. Syempre ay maninibago ako." Sagot ni Mama. Kumalas si Ram mula sa pagkakaakbay sa akin at lumapit kay Mama.


"Don't worry Ma, twice a week kaming dadalaw dito. But it depends kung busy ako sa trabaho. Ayaw ko na sila lang ang dadalaw dito at hindi ako kasama."


"I understand hijo." Sagot ni Mama.


"Tara na?" Baling sa akin ni Ram. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Palabas na kami ng bahay ng matanaw kong kapapasok ni Lexy sa gate. Halos bumaba na ang tube top fitted na itim na suot nito dahil sa laki ng dibdib nito. Konting galaw lang yata niya ay luluwa na ang dibdib nya.


Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko sya, talagang yung pananamit nya ang una kong napapansin. Oo nga at bagay sa kanya dahil maputi at sexy sya. Pero, ako ang naiilang sa suot nya.


"Oh Lexy, naparito ka?" Si Papa.


"Hi Tito." Lumapit ito kay Papa at bumeso, ganun din kay Mama.


"Oh hi Baby Zeyrone." Humalik rin ito kay Zeyrone na karga karga ni Mama. Ano na naman bang ginagawa nya dito?


"Hija, naparito ka?" Tanong naman ni Mama. Bago sumagot si Lexy ay tumingin ito kay Ram bago sa akin.


Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon