Shantelle Kristina
"Hi Shantelle." Agad kong nakita si Drickzel sa likod ni Mang Paul. "Pare." Bati naman nito kay Ram.
"Drickzel, napadaan ka?" Tanong ko. Napatingin ako kay Ram na nakatingin din pala sa akin ng makahulugan.
Oo nga pala. Hindi ko nasabi sa kanya kagabi nung magkausap kami sa cellphone na kapitbahay ulit namin si Drickzel.
"What brings you here?" Tanong ni Ram. "Are you following us-"
"Teka Ram." sumingit na ako sa kanila.
"Si Drickzel nga pala, dyan nakatira sa katabi ng sumunod na bahay na kalapit natin. Kasama nya yung Mama nya." Paliwanag ko, nakita ko na lang na tumango si Ram.
Kakaiba talaga ang pakiramdam kapag magkaharap itong si Ram at si Drickzel. Nag iiba na lang kasi bigla ang aura ni Ram kapag kaharap nya si Drickzel. Hanggang ngayon ganun pa rin, eh dati naman silang magkapit bahay noon.
"Matagal na naming pagmamay ari ang bahay dyan malapit dito sa bahay nyo. Kaya sa madaling salita, mas matagal na kaming naninirahan dito." Sagot naman ni Drickzel.
"Hindi naman kita pinagpapaliwanag." Sagot naman ni Ram.
"Just to make it clear Pare. Kakaiba lamang kasi yung tanong mo na kung sinusundan ko kayo?"
Ano ba? Mag aaway ba sila.
"Ah teka." Singit ko.
"Napadaan ka nga pala Drickzel?""Ah wala, akala ko kasi wala pa si Ram at igagala mo ulit si Zeyrone sa village. Baka kelangan mo lang ng kasama. Pero nandyan naman na si Ram, okay lang. Nextime na lang."
"Ha ah eh." Hindi tuloy ako makasagot.
"Nextime na lang Shantelle, bye Zeyrone, Pare." Saglit itong tumingin kay Ram at tumango saka lumabas ng gate. Tumingin naman ako kay Ram na nakakunot ang noo habang sinusundan si Drickzel palabas ng gate.
"Mang Paul." Tawag ni Ram sa tagabantay dito sa bahay.
"Sir Ram." Sagot nito ng maisarado ang gate pagkalabas ni Drickzel.
"Sumunod ho kayo sa akin." Utos ni Ram sa tonong parang galit. Hindi na rin ako nito pinansin at nagtuloy tuloy na sa loob. Sumunod na lamang din ako sa kanila.
Hindi na ako sumunod pa sa kanila ng makita kong pumasok si Ram kasunod si Mang Paul sa opisina nito.
"Ma'am Shantelle." Napalingon ako ng tawagin ako ni Ate Malou. "Luto na po yung ulam. Maghahain na po ba ako para makakain na si Sir Ram?"
"Ah ako na, pakihawak na lang muna si Zeyrone." Binigay ko naman dito si Zeyrone. Muli akong naglakad para tumungo sa opisina ni Ram. Kakatok sana ako ng marinig ko ang boses ni Mang Paul kaya idinikit ko na lamang ang tenga ko sa pinto.
"Paumanhin po Sir Ram."
Iyon na lamang ang narinig ko ng biglang bumukas ang pinto. Muntik na akong mabuwal dahil nga sa nakasandal ako sa pintuan.
"Kristina!" Napakagat na lamang ako ng pang ibabang labi ng makita ako ni Ram sa labas ng pinto.
"Sige po Sir Ram, bababa na po ako." paalam ni Mang Paul, yumuko rin ito sa akin ng dumaan sa harapan ko. Sa hitsura ng mukha nito ay parang napagalitan ito ni Ram.
![](https://img.wattpad.com/cover/38029467-288-k776874.jpg)