Shantelle Kristina
"Shantelle.." tawag sa akin ni Driczel. Hindi ko ito pinansin, pinipilit ko ang sarili ko at mga paa ko naihakbang papaunta sa silid na iyon. Walang ampat ang luha ko dahil hindi ko maintindihan.
Bakit?!
Nang nasa tapat na ako ng nakasaradong pintuan kung nasaan si Driczkel nakatayo ay huminto ako at pilit na ikinakalama ang aking sarili pero talagang wala. Hindi ko rin magawang tumingon at kausapin si Drickzel.
Hinawakan ko na ang sedura ng pintuan upang bukasan na ito pero talagang nanginginig ang kamay ko. Pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang isang bulto na nakahiga at nakabalot ng puting kumot.
"Ram...." abot- abot ang kabang nararamdaman ko at hinihiling na hindi sa Ram ang naroroon, Muntik akong mabuwal ng magsimulang humakbang patungo sa asawa ko. Naramdaman ko ang paghaeak ni Drickzel sa braso ko at inalalayan ako.
"Ram... Hindi! Hindi si Ram iyan!" palahaw ko ng iyak sa silid na iyon habang nakatitig sa puting kumot na naroroon.
Nang makalapit na ako doon ay hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang nasa loob ng kumot na iyon o hindi. Hindi ko kakayanin kung si Ram ang naroroon.
Inangat ko na ang kanang kamay ko at hinawakan and dulo ng kumot. Panay ang iling ko at walang tigil ang pag agos ng luha ko. Nanginginig ang kamay ko habang unti unting ibinababa ang kumot hangang sa masilayan ko na nga ang mukha ni Ram.
"Ram!"
"Kristina! Kristina!"
"Ram!" napadilat ako dahil may kung anong tumatapik sa akin. "Ram!" agad akong yumakap kay Ram na nasa harapan ko. "Ram buhay ka." iyak ko rito at dinama ang init ng katawan nito.
"Buhay ako, mukhang nananaginip ka." panay ang haplos ni Ram sa likod ko dahil wala akong tigil sa pag iyak.
Diyos ko! Salamat at panaginip lamang iyon, hindi ko kakayanin! hindi ko kakayaning mawalan pa ako ng mahal sa buhay, ikamamatay ko na talaga.
"Ram huwag mo kong iiwan pakiusap. Hindi ko kaya." iyak ko pa rin dito.
"Shhh... Hinding hindi kita iiwan. Kung ano man yung napanaginipan mo, kabaligtaran iyon, hinding hindi kita iiwan." hinawakan ni Ram ang balikat ko at bahagyang inilayo ang katawan nito sa katawan ko.
Pinahid nito ang luha ko ng wala pa ring ampat sa pag agos.
"Tahan na, nandito na ako." panay pa rin ang pahid nito sa luha ko at haplos sa braso ko.
"Ram ka-kasi so-sobrang sa-sama ta-ta-talaga..." hindi ko talaga mapigilang tumigil, naninikip pa rin ang dibdib ko at nahihirapan na akong magsalita dahil gusto kong sabihin kay Ram yung napakasamang panaginip na napanaginipan ko.
"It's ok, it's ok. Just forget it, it's just a nightmare." muli akong niyakap ni Ram at pinakalma.
Nang medyo kumalma na ako at tumigil na ako sa pag iyak ay kumlas na ako sa pagkakayakp ni Ram.
"Are you ok now?" tanong niya sabay pahid ng luhang natira pa sa mga mata ko. Tumango naman ako, pakiramdam ko napagod ako kakaiyak at pakiramdam ko ay magang maga na ang mga mata ko.
"I think you need to rest---" umiling ako kay Ram kaya natigil sya sa pagsasalita.
"Pasayahin mo ko ngayon Ram, ituloy natin yung dapat na gagawin natin." sabi ko sa kanya. Gusto ko talagang makalimutan yung panaginip ko.