4: Burnt Cheese Cake

24.5K 688 60
                                    

BURNT CHEESE CAKE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BURNT CHEESE CAKE

I wasn't always this fat.

I used to be a lot lighter back in God knows when.

I don't know when or how it started. But I blew up. Lumobo ako ng sobra sobra. One thing just led to another and another and another then... booom! It became Koko Krunch.

Just like that, I lost control. I simply lost control.

Not just of my weight. But of my life.

"Tabs!!! Jogging tayo!!!" Nagising ako sa sigaw na yun ni Kuya Jason. Sinamahan pa ng malakas na pagkatok sa aking pintuan.

Napatingin ako sa alarm clock kong nakapatong sa gilid ng aking lamesa.

Alas singko y medya.

Napapikit ulit ako at bahagyang nasabunutan ang sarili sa pang gigigil kay kuya.

Kailan kaya ako makakatulog ng payapa sa bahay na to?

At parang hindi pa nakuntento sa pagsigaw at katok niya ay kinalampag nanaman niya ang pintuan ko. Nag galawan ang mga makukulay na padlock sa likod ng aking pintuan.

"Hoooooooy taaabaaaa giiiiisiiiiing!" Malakas na sigaw ni kuya.

Inis kong kinuha ang isang unan sa tabi ko at mariing idinikit sa mukha ko. Aaaah! Grabe!!! Gusto ko ng maiyak. Paulit ulit akong huminga ng malalim para payapain ang sarili ko.

Mahal ko si kuya pero minsan talaga eh nagiging ipis ang papel niya sa buhay ko. At ayokong ako ang maging makapal na tsinelas na papatay sa kanya.

Ganito kami parati kada Sabado ng umaga. Parati niya kong niyayayang mag jogging kahit na ba wala naman akong kabalak balak na mag jogging. Ni isa sa mga pagyaya niya ay wala akong in-oohan. Ni isa. Alam kong mamamatay ako sa inis sa kanya at hindi sa pagod ng pag jogging.

He's already in second year college. Dito siya sa San Ildefonso nag college at hindi sa Manila. He loves it here. His friends are here. His life is here. At siyempre ayaw ni papa na nawawala sa paningin niya si Kuya Jason. Sa amin kasing tatlong magkakapatid siya ang mas nangangailangan ng kalinga, unawa at pagmamahal.

Pero ang totoo niyan eh basagulero kasi si kuya kaya parating nandiyan dapat si papa para humingi ng tawad sa mga magulang ng binugbog niya. At pagkatapos ay siya si papa naman ang bubugbog kay Kuya Jason.

Maya maya ay umalis na din si kuya. Kailan ba siya magigising sa katotohanan na hindi na ako papayat. Ako nga matagal ng mulat sa katotohanang yon. Tanggap ko na.

Matagal akong nakatitig sa pink kong kisame. Ilang minuto rin akong nagpabaling-baling sa aking kama. Napabuntong hininga ako. Hindi na ata ako makakabalik sa masarap kong tulog.

Umayos ako ng higa at sumandal sa head board ng higaan at saka ko ipinagpatuloy ang binabasa kong libro kagabi. Inabot ko ang nakapatong na libro sa aking nightstand.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon