49: Fat Burning Tea

19.6K 694 832
                                        

FAT BURNING TEA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FAT BURNING TEA

Mabigat at mabagal ang mga hakbang na ginawa ko papasok ng court. Ang mga kamay ay manhid na sa pagkakakuyom ng mahigpit. Halos bumakat na ata sa aking palad ang mga marka ng aking kuko. Pigil ang paghinga. Kagat kagat ang pang ibabang labi.

Halos mugto at pulang pula na ang mata ko sa kakapigil ng luhang kanina pa nagbabadya. Kakapunas ko lang pero eto nanaman ang panibagong patak ng luha sa aking matatambok na psingi. Walang tigil. Walang ubos. Parang hindi na ata matatapos.

Marahan akong huminga ng malalim. At unti unti iyong binuga. Inulit ko pa ng makailang beses. Pilit kong pinapayapa ang aking kalooban. Pero hindi ko kaya. Hindi ko na ata kaya.

Madaming ideya ang pumasok sa isipan ko. Iba't ibang klase ng emosyon ang naramdaman ko sa bawat pagtibok ng puso ko, pagmamahal, sakit, pagkabigo at awa. Awa para sa sarili ko. Kung paanong ang dali dali kong naging tanga.

Gusto kong magalit. Magalit sa kanilang lahat. Sa lahat ng mga kaklase ko. Sa lahat ng mga players ng Black Wolves, sa lahat ng sumali sa pustahan na to at higit sa lahat gusto kong magalit kay Niccolo. Pero hanggang sa huli sino nga ba ang dapat na mas kamuhian ko, kung hindi ako. Ako naman yung umasa. Ako naman yung nanaginip. Ako yung bumuo ng mundong kasama ako. Yung mundong kasama ako sa mundong ginagalawan niya. Ako yung naniwalang mahalaga ako. At kayang mahalin. Lahat pala yun gawa gawa ko lang.

Pumatak nanaman ang luha sa aking pisngi. Nagulat ako at napabalik sa kasalukuyan ng marinig ko ang malakas na pag pito ng referee. Napatingala ako. At nakitang nakahiga at kapwa namimilipit sa sakit si Niccolo at Ross. Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko. May kung anong kirot ang dumaan sa puso ko. Ang makitang nasasaktan siya ay nagpapasakit din at nagpapasikip ng puso ko. Tinulungan sila ng mga teammates nila. Tinawagan ng foul si Ross. Bihirang matawagan ng foul si Ross kaya medyo nakakagulat. Napatingin ako kay Niccolo. Medyo ginalaw galaw niya ang tagiliran niya.

Nung mukhang ok na sila ay marahan akong napabalik ng upo at tumingin sa score board. Nasa second quarter na pala ng laban at malapit ng mag half time break. Halos di ko na napansin ang oras. Nasa may bandang gitna ng bleachers ako naupo. Hindi sa kadalasang inuupuan ko na court-side na bleachers. Bago mag free throw si Niccolo ay napansin ko ang pag gala ng kanyang mga mata. Tumira ng isa at ang bola ay tumama sa gilid lang ng ring. Habang nag didribol para sa pangalawang free throw ay muling umikot ang ulo niya na parang may hinahanap. Tumira ulit at tumama nanaman sa gilid ng ring. Napatingin ako sa mga NBL Officials sa court-side na animo sinusuri ang bawat galaw at kilos ng mga players. Lalo na ng mga MVP players na kagaya ni Niccolo. Nakita ko pang may sinulat na kung ano sa papel ang isa sa mga NBL Officials.

Napatayo ako sa pag-aalala. Nagpabalik balik ang tingin ko kay Niccolo at sa mga hilera ng NBL Officials at iilang mga assistant coach na katabi nila. Naalala ko ang minsang sinabi sa akin ni Niccolo, na ang basketball ay karugtong na ng buhay niya. Pinunasan ko ang halos tuyo ko ng luha. Bumaba ako sa bleachers at pumunta muna sa restroom para mag hilamos at mag ayos. Kailangan ay walang bakas ng luha o pamumula ng mata na makita si Niccolo.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon