48: Pumpkin Pie

21.9K 668 679
                                        

PUMPKIN PIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PUMPKIN PIE

This is the most awaited time of the year. The last game. The breaking point. Judgement day.

Halos lahat sa eskwela ay abalang abala. Maraming estudyante ang nagkalat sa school grounds. Ang iba ay abala sa pagpapapirma ng clearance, pag submit ng last minute deadlines at kung ano ano pa. Ang iba naman ay tambay na lang at sinusulit ang mga nalalabing araw sa eskwela para makihalubilo o magpapicture sa mga teacher at mga kaklase. May iba naman na nag aayos na rin ng mga dokumento para sa highschool graduation at para sa pag aapply sa kolehiyo. Pero mas abala at excited ata ang mga estudyante dahil ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang huling basketball game ng season na ito. Itim sa dilaw. Wolves laban sa Jaguars.

May mga makukulay na dekorasyong nakapalibot sa buong school grounds, may mga booth at mini games din habang hindi pa ginaganap ang laro. Nakasabit din ang mga itim na bandiritas na may nakasulat na Night Howlers, Black Wolves o kaya ang logo ng team. Nagkalat ang mga estudyante, cheerleaders, pati ang mismong miyembro ng mga lobo sa eskwela. Mamaya pa kasing hapon gaganapin ang laban at dito sa mismong court ng eskwela gaganapin iyon. Hindi pa naman tumatanggap ng bisita sa school gates kaya't mga taga dito lang ang nandito ngaun. Mamaya pang hapon bubuksan ang eskwelahan para sa mga estudyante mula sa kabilang school na manunuod ng laban.

Nakaupo kami ni Niccolo sa couch ng kanilang basketball quarters. Tahimik ang kabuuan ng quarters dahil ang lahat halos ng miyembro ng Wolves ay nagkalat sa school grounds.

Nakaupo kami habang magkasalikop ang kamay. Kanina pa siyang ngiting ngiti na parang bata. Maya't maya din ang nakaw niya ng tingin sa akin.

I poked his cheek with my pointer finger. "Kanina ka pang parang baliw diyan. Ano na nangyayari sayo?" Tanong ko.

He let go of my hand and encircled his arm tightly around my shoulder. He hugged me closer to his chest. I can already smell his familiar manly scent. God I love his smell.

"I still can't believe it.... you love me." He said disbelievingly for the hundredth time. He's been going at it for almost an hour now. Well actually he's been like this since last night. Lalo na nung nakita ko siya kaninang pagpasok abot ata ang batok yung ngiti niyang ewan.

"Well I must have some loose screws in my head or something." Walang ka interes interes kong pang aasar.

HIndi niya pinansin ang pang aasar ko at sumulyap sa akin. "Say you love me." He said then bit his lower lip. As if controlling his emotions.

"I love you po." Walang kagana gana kong sabi habang tinutulak ko ang dibdib niya palayo sa mukha ko.

"Again." Nakita kong nakangiti siyang pumikit na parang dinadama niya ang bawat linya at letra sa simpleng salitang mahal kita.

Umayos ako ng upo. Lumapit sa kanyang tainga. Unti unti kong ibinulong ang mga salitang mahal kita bago ko marahang dinampian ng halik ang kanyang pisngi.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon