11: Chocolate Fondue

20.6K 603 53
                                    

CHOCOLATE FONDUE

Chubby.

The term is a lesser form of evil. It's sugar coating. It's a white lie.

Why call a fat girl chubby when in fact eh mataba talaga siya. There are only two sides to every coin. Two kinds of character in a book. And only two opposite types of girls. The skinny and the fat. No such thing as chubby.

Pinapaasa lang ng salitang yan yung mga matatabang babae kagaya ko na hindi pa kami ganun kataba at may lugar pa para kumain dahil kagaya nga ng sabi nila, 'hindi ka pa naman mataba eh, chubby lang'.

Chubby is a word of assurance. Sa madaling salita pampalubag loob. Para siyang salitang sinasabi ng mga taong nakikiramay sa mga burol, o sa mga taong may malubhang karamdaman na magiging okay din ang lahat. Na pagsubok lang ang lahat ng ito. Na malalagpasan mo rin to. 

There will always be that silver lining. That there'll be a rainbow after the rain. Papayat ka pa dahil hindi ka pa naman mataba kasi nga chubby ka pa lang. Na may pag-asa ka pa. Pero ang totoo niyan eh once you go fat you can never go back. At ang bagyo lang ang may PAG-ASA.

Kanina pa ako nakahiga sa malaki at pink kong kama habang nagpapa ikot-ikot at nag babalot sa pink at makapal kong kumot.

Pinag iisipan kong mabuti kung dapat nga bang pumunta ako sa victory party ng Black Wolves o hindi.

When did decision making become this hard. It's like a chore.

Nagugulo pa lalo ang tahimik ko sanang mundo dahil sa mga ganyan-ganyan. Imbes na nanunuod na lang ako ng movies o di kaya'y nagbabasa ng libro o kaya naman sana kumakain na lang ako ng masarap na pagkain.

"Aray!" Impit na sigaw ko kasabay ng isang malakas na pagkalabog ng sahig nung bigla akong nahulog sa kakaikot-ikot sa kama.

Saglit ko munang pinakiramdaman ang malamig na sahig. Napabuntong hininga ako at pilit na tumagilid at hirap na nagbaluktot ng binti at paa para makatayo na. Humawak pa ako sa paanan na kahoy ng aking higaan para tulungan ang sarili kong makatayo.

Bagsak ang balikat kong naglakad sa harap ng isang malaking full size mirror na natatakpan ng isang pink na tela na may kung anu-anong nakadikit na larawan. Tamad kong tinanggal ang malaking pink na tela.

Natagpuan ko ang isang pares ng mata na nakatingin din sa akin. Nakatingin ako ngayon sa isang di pamilyar na babae. Nakasuot siya ng isang manipis na over sa paka-over sized white t-shirt na tinernuhan ng pink at maluwag na cotton short na umaabot ang haba hanggang ibabaw ng tuhod.

Iginala ko ang mga mata ko pababa sa kanyang bilog na mukha, sa kanyang matatambok na pisngi, pababa sa hindi na mapansing leeg, sa malalapad niyang balikat at malalaking braso. Ang katawan niyang parang isang condominium building sa dami ng palapag sa tiyan, sa malaki niyang mga balakang at siksik na hita't binti.

"Majinbu ikaw ba yan?" Bigla ko na lang nasabi sa harapan ng babae sa salamin.

Napasimangot ako. Kailan na nga ba ako huling tumigin sa salamin?

Itinaas ko ang dalawang kamay ko at tinapik tapik ang matatambok kong pisngi. Kinurot ko ito at binatak-batak pa. Literal ata na pag tinamaan ako ng bola ay mag ba-bounce iyon mula sa pisngi ko.

Tamad at mabagal akong umatras saka umupo sa paanan ng aking malaking kama habang hindi inaalis ang mata sa repleksyon ng salamin.

Tinanggal ko ang mahigpit na pagkaka headband at pusod ng buhok ko. Inayos ko ang mahaba, itim na itim at tuwid kong buhok.

Lumapit ako sa aparador at kumuha ng isang ternong damit na blouse at maong na pantalon saka itinapat sa katawan ko para pagmasdan kung papasa ba itong isuot ko sa victory party nila Niccolo. Saglit kong pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin at napailing iling. Kumuha ulit ako ng iba't ibang pares, ng blouse, pantalon, dress, cardigan at kung ano ano pa.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon