43: Lechon Kawali

15.1K 413 179
                                        

LECHON KAWALI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LECHON KAWALI

Pagkatapos ng nangyari kanina ay naghiwalay kami ni Aries sa labas ng school. Tahimik siya. Nagpasalamat siya sa akin bago nagpaalam. Hindi niya sinabi sa akin ang dahilan ng nangyari kanina. O kung bakit yun nangyari. Hindi naman na din akong nagtanong dahil wala ako sa lugar para makialam. Tikom lang ang bibig niya.

Sinubukan ko na lang siyang tanungin sa sinadya ko sa kanya ng araw na yun pero nanatili lang rin siyang tahimik. Sinabi niyang wala din daw siya sa lugar para makialam. Kung gusto ko daw magtanong ay mabuting kausapin ko na lang si Niccolo.

Nang makarating ako ng bahay ay hindi ko alam ang gagawin. Ilang minuto akong nanatiling nakaupo sa sala. Kanina pa ako nag iisip sa kung ano ano kayang posibilidad ng pinag awayan nila o ng ikinagalit ng husto ni Niccolo.

Napukaw ako sa aking pag-iisip ng makaramdam ako ng matinding gutom. Napagpasyahan kong pumunta sa kusina. Hindi ko na nasabayang kumain si papa. Pero panigurado namang tinirhan ako ni papa ng ulam.

Binuksan ko ang platong nakatakip sa ibabaw ng lamesa. Agad akong nakaramdam ng gutom ng makita ko ang luto ni papa na lechon kawali. Sa tabi ng plato ng lechon kawali ang isang platito ng brown na sarsa na parati din niyang tinitimpla na kapartner ng lechon.

Nagsandok ako ng isang bundok ng kanin at naghatak ng upuan sa dining. Umupo ako at sinimulang kumain ng lechon kawali. Nagulat ako na nanatili pa ring malutong ang balat ng baboy kahit na tiyak na ilang oras na rin ang nakalipas ng niluto iyon.

Ewan ko kung anong klaseng mahika o kakaibang sangkap ang inilalagay ni papa sa mga lutuin niya pero talagang ganang gana ako parati. Parang parating may kung anong malinamnam na bagay ang hinahalo niya sa bawat pagkaing niluluto niya.

Pagmamahal? Sabi ng isang parte ng utak ko. Napangiti ako sa isiping iyon.

Maaari. O pwede rin namang sadyang matakaw lang ako.

It always is a wonder for me how food can have this healing and forgetting power. Kapag kaharap mo ang pagkain eh nakakatulong itong magpagaling at magpalimot. Na minsan pa nga sa mga movies ginagamit ito para sandaling makalimot ang bidang babae sa break up o sa pagkawala o sa pagpapakasaya.

I finally understood then, that food has it's medicinal power. Like how dad puts his heart and love as the secret ingredient to everything he cooks and serves for people.

Love the secret ingredient to everything.

Matapos kong magligpit ng kinainan ay nagpasya na akong umakyat ng aking kwarto. Naghanda na ako sa aking pagtulog at nagsuot ng isang terno na pink na pajama. Isang long sleeved button down na pink na top na may mga tadtad ng hugis puso. Ganun din naman ang disenyo ng pang babang pajama.

Kanina pa ako nakahiga. Pipikit. Magmumulat. At paikot ikot sa higaan ko. Kahit anong posisyon ng paghiga ay hindi ako magawang dalawin ng antok. Hindi ako dalawin ng antok lalo na tuwing nagrereplay sa utak ko ang sinabi ko kay Niccolo kanina.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon