LECHE FLAN
"Don't tell Niccolo about the beauty contest alright?" Bulong sa akin ni Jen habang naglalakad kami pababa ng cafeteria. Napatingin ako sa kanya. Naka abrisete siya sa akin. Kasunod naming naglalakad sina Abi at Trix sa likod. Lunch break na at dalawang linggo na lang ay pageant na. Kinakabahan na nga ako at hindi ko alam ang gagawin. Bakit naman kasi ako pumayag dito.
"Bakit ko naman sasabihin sa kanya?" Tanong ko ng makabawi sa pagkagulat sa sinabi niya. Iniiwas ko ang tingin ko para hindi niya mapansing naaasiwa ako sa tanong niya. Iniisip niya bang merong namamagitan sa amin ni Niccolo? "We're not friends." I added.
Napatingin sa akin si Jen ng nakakunot ang noo. "Oh. I thought magkaibigan kayo. Wala lang, naisip ko lang kasi na magandang surprise para hindi alam ng mga tao na kasali ka ganun. You know the element of surprise." Jen said while smiling.
"Do I really have to do this?" I asked sounding doubtful.
"Don't worry gaya ng sabi ko kaming tatlo ang magiging fairy god mothers mo." Jen winked at me.
Pumasok na kami sa magulong cafeteria. Ilang linggo na akong kumakain dito kasama sila Jen, Abi at Trix pero parang hindi ata ako masasanay. Iba ang pakiramdam ng kumakain sa open field o kaya sa benches sa ilalim ng mga puno. Payapa. Sariwa. Dito sa caf. Maingay. Magulo.
On one side of the caf eh nakita kong nakaupo ang team ng Black Wolves. Nagtama ang paningin namin ni Niccolo. He's in the middle of laughing at something when he saw me. Nakita kong itataas sana niya ang kamay para senyasan ako pero ibinaling ko agad ang tingin ko sa ibang direksiyon. Alam kong nakita kami ni Jen at hindi ko na lang pinahalata pa. Umupo na ako at hinintay silang bumalik sa lamesa para maka order na sila.
Nararamdaman ko na ang pagrarambulan ng small at large intestines ko. I crossed my arms in front of my stomach to keep the growling monster at bay. Iginala ko na lang ang paningin sa kabuuan ng caf. Malapit sa table ng Black Wolves ang table ng mga cheer leaders na naka suot pa ng kumpletong outfit. May practice ata. Wala si Katrina sa mga yun. Ang gaganda nilang tingnan. Ang kikinis. Ang sesexy at kuntodo make up at ayos ng mga buhok.
Habang naghihintay sa tatlo ay maraming bumabati sa akin mapa-freshman o senior kagaya ko. Lahat kilala na ako sa school. Lahat sila binabati ako. Lahat sila mabait na. Dati parang kung sino lang akong matabang estudyante na pakalat kalat. Not that I want too much attention but it's kind of nice to be known by other people. Parang talagang nag eexist ka din sa mundo nila at hindi kung sinong nadadaan daanan lang.
I felt the pocket of my uniform vibrating. Dahan dahan kong inilabas ang cellphone ko. Mula sa ilalim ng lamesa ay binasa ko ang text.
Niccolo:
Why aren't you eating?
Napatingala ako at pilit na ibinaling ang atensiyon sa iba. Itinago ko na ang cellphone ko at hindi na nagtipa ng isasagot. Pumangalumbaba ako at pinanuod kung paano nakipag kwentuhan muna sina Jen, Abi at Trix sa iilang kaibigan. Mahaba ang pila sa bilihan ng pagkain. Pero hindi pa bumibili sila Jen at inuna muna ang pakikipagkwentuhan sa isang grupo din ng mga babae sa ibang section.
Naramdaman ko nanaman ang pag vibrate ng aking cellphone at binasa muli ang text doon.
Niccolo:
May baon ka ba? O bibili ka pa ng pagkain mo? Kumain ka na.
Nakita kong nakapila na sila Jen at kasalukuyan ng pumipili ng pagkain. Kumaway si Abi sa akin at sumenyas ng sandali lang. Nagkatinginan silang tatlo at nagtawanan. Pilit akong ngumiti pabalik. Pinauna ko na kasi sila para atleast may tatao na sa table namin. Ayoko namang iutos ang order ko. Medyo nagkakaubusan kasi at sabay sabay ang lunch break ng lahat ng school years.