19: Beef Tapa

18.6K 549 109
                                    

BEEF TAPA

"I'll start my diet tomorrow." Yan na ata ang pinaka gasgas na pangako sa balat ng lupa. Ang pangakong pamatay talaga.

Pangalawa lang yung linyang "Ikaw lang at walang iba." Mas marami atang taong mataba sa mundo kesa sa mga babaero. Ilang bukas na rin ang ginamit ko sa kasinungalingang ito. Bukas. Puro bukas. Walang hanggang bukas.

"Come on Saab you can do this." Niccolo jogged in place as he glanced back at me. Nasa labas na siya ng gate namin pero nung nakita niyang nakaupo pa ako sa may paanan ng hagdanan at nakapikit habang nakahilig sa pader ang ulo ay napabalik nanaman siya.

Madilim dilim pa sa labas. At may hamog hamog pa ng dumating siya para sa session namin ng jogging. Hindi ko alam kung paano niya ako napa-oo. Nanatili lang akong nakapikit. Inaantok pa ako.

Naramdaman ko ang pagluhod niya sa aking harapan. Kinuha niya ang kamay ko para isuot ang jacket sa akin. Nanatili akong nakasandal sa pader at nakapikit.

"Pwede bang bukas na? Inaantok pa ako..." Pagmamaktol ko. I heard him gave out a soft laugh. I felt him caressing my cheek. His palm felt so hot and comforting in this cold and foggy dawn.

Sinunod niyang isuot ang sneakers kong hawak hawak ko pa. Tamad na tamad akong kumilos. Imbis na nakahiga ako at napaliligiran ng malambot kong mga unan at nakabalot ako sa aking makapal na kumot eh heto ako at mag ja-jogging kuno. Sino bang niloko ko eh alam kong maglalakad lang naman ako.

"The first few steps are the hardest. Once you get used to it, it will be just like routine." Paliwanag ni Niccolo habang inaayos ang tali ng sneakers ko.

Napamulat ako at tamad na napatingin sa gilid ng mukha niya pababa sa kanyang cross silver earing at sa malaki at malapad niyang balikat. Nakikita ko pang nag gagalawan ang mga muscles niya habang sinisintas ng maayos ang sneakers ko.

Maya maya ay nag angat siya ng tingin na ikina ilang ko. Ngumiti siya. And here we go again. Nag iwas na lang ako ng tingin dahil naaasiwa ako sa pagkakalapit namin at sa paraan ng pag titig niya. Para kong ice cream na ibinilad mo sa tirik na araw ng katanghalian.

Bakit ba walang pinipiling oras ang kagwapuhan niya. Madaling araw pa lang ang gwapo niya na. Sobrang gwapo niya talaga. Maganda at maputi ang balat. Matangos ang ilong. Mapupulang labi. Makapal na kilay. At magandang anggulo ng panga.

Tumayo na siya at hinatak ang dalawang kamay ko sa pagtayo niya. Nagpatianod na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko at iginiya ako palabas ng gate. Nakakapagtaka ding pinayagan siya ni papa sa jogging na to. Ewan ko na lang kung nandito si Kuya Jason. Ibang usapan kasi pag nandiyan siya. Wala naman din kaming ginagawang masama. Para sa akin ay sumasabay lang ako ng exercise. I still don't acknowledge him being my friend. Mahirap mapalapit ng husto sa mga lalaking kagaya ni Niccolo.

Of course like any other joggers we started with warm ups. Nakatigil kami at nakahinto sa tapat ng bahay. Nakatayo siya sa harap ko at tamad kong ginagaya ang lahat ng ginagawa niya. Nakangiti siya habang patuloy kami sa ginagawang warm up exercise. Lalo lang akong sumimangot at lalo lang siyang ngumiti. Para bang enjoy na enjoy siya sa mga nangyayari habang patuloy sa pag galaw ang mga kamay at paa niya.

"Parang tuwang tuwa ka ah." Pagmamaktol ko nanaman na lalo lang niyang ikinangiti.

"Masaya talaga ako..." His voice was soft and almost a whisper. Ngumiti lang siya at tumingin ng diretso sa mata ko habang patuloy sa pag wawarm up.

Ibinaba ko ang tingin ng mata ko sa leeg niya. At pilit na iniiwasan ang mga mata niya.

"Ano ready ka na? We'll walk for today. Ayoko namang mabigla ka agad." Paliwanag niya matapos niyang higpitan ang pagkakatali ng sintas ng sneakers ko.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon