7: Sugar Coated Candies

21.5K 633 80
                                        

SUGAR COATED CANDIES

"So..." He started and tilted his head to the side to look at me. His dark eyes reflected that of the moon's light. I adjusted the black tux he wrapped around my shoulder earlier.

Kapwa kami nakaupo sa isang pares ng swing sa isang park malapit sa bahay namin. Naisip kong ilayo siya sa bahay dahil baka magising si papa. Mahirap na baka makita siya at atakihin sa puso si papa.

Itinusok ko ang kutsarang dala niya sa medyo hindi na ganoong katigas na ice cream. At dinala ito sa bibig ko saka ako tumingin sa kanya.

He laughed a little. The sound vibrating on the now desolate park. "....papatikimin mo ba ako niyan?" Tanong niya. 

I felt the heat on my cheeks. Napatingin ako sa kanya. Tumawa siya ulit at inagaw sa kamay ko ang ice cream container. Gamit ang parehong kutsara ko ay kumain siya ng ilang subo ng ice cream bago ibinalik sa akin ang container. Maang na napatingin ako sa kanya. Akala ko kasi sa akin lang yung ice cream. Isang kutsara lang naman kasi ang dala niya. Pareho pa kami ng ginamit. It's somewhat like indirect kissing. Or indirect licking for that matter. Kinilabutan ako sa naisip at ibinaon ito sa malayo at tagong parte ng utak ko. Tinanggap ko ulit ang ice cream container mula sa kaniya. At sumubo ulit ng paborito kong flavor. To hell with indirect licking. Kakain ako!

Tahimik lang ulit kaming dumuyan sa swing. At tumingala sa mga maningning na bituin sa itim na langit. Sinong mag aakalang malaki ang mga bituin kung ganitong kaliit siya kapag nakatingala ka sa kalangitan. Napakaganda at payapa nilang pagmasdan.

"Why are you here?" Tanong ko ulit sa kanya. Hindi ko pa rin lubos maisip ang dahilan niya ng pagpunta ng walang pasabi. Una sa lahat hindi kami magkaibigan. That is reason enough for me to doubt his motives. "Am I like your new play thing, or what?" I regret it the instant it escaped my lips. I was too drawn in the mystery of the stars that I forgot to filter my thoughts. He suddenly burst out laughing. Naramdaman ko na pulang pula na ako ngayon. Agad nag init ang magkabilang pisngi ko.

Napahawak pa siya sa tiyan niya habang patuloy ang malakas na pagtawa. Tuwang tuwa siya. Para bang sinabi ko ang pinaka nakakatawang biro. "Will you stop laughing." I said embarrassed. I looked away. And bit my tongue a little. How stupid of me.

I heard him shifted on his feet lilingunin ko sana siya pero nagulat akong nakaluhod na siya sa harap ko. Napaatras ako ng kaunti pero hinawakan niya ang metal na chain ng swing.

He looked at me. Naglalaro ang kislap sa mga mata niya. Like he's amused of something. "M-Malay ko ba kung sawa ka na sa mga ulam mong manok at gusto mo naman tumikhim ng baboy." Mapait kong sinabi. I regretted how I sounded. Like I am annoyed about something that in the first place shouldn't even concern me. If only I can take it back.

Sumeryoso ang mukha niya. "I like you. You're..." He stopped searching for the right word. Fat. I supplied in my own thought. ".....different." Wow that's another way to call it. "I want to be your friend Saab." He said with such sincerity. Kung hindi ko pa siya kilala eh baka nahulog ako sa kaniya. But I know him all too well. I wanted to roll my eyes. Different. Yun na yun? Ang dami daming pwedeng i-describe sa akin different talaga. Hindi lang niya masabing direkta na mataba.

"Look..." I sighed. "...in case you didn't notice I'm all too aware that I'm not your type of girl. And I will never be your type of girl. All the people in school reminded me of that fact. Every single day. Every waking hour. Nobody wants to be friends with the fat kid. So save yourself from the shame and drama. It's hard enough as it is. Dadagdag ka pa." Litanya ko.

"Do you always do that?" He asked with knitted brows. "Turn away people who likes you?" He sounded a little hurt. "So what kung mataba ka. Don't let it stop you from living. Don't let it define you. I want to be a friend. Anong masama dun? Kaibigan lang naman." Rason naman niya.

Heavy BeautyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon