50: Clam Chowder

18.1K 560 331
                                    

CLAM CHOWDER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CLAM CHOWDER

Nagising ako sa mahinang tunog ng alarm sa cellphone ko. Nakapikit kong kinapa iyon at pinindot ang home button para ma-cancel ang alarm. Nanatili akong nakapikit at nakahiga sa ganoong posisyon. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pati ang mga mata ko ay di ko maimulat sa bigat at dahil na rin mugto sa kakaiyak. Unti-unti akong nagmulat ng mata at tumingin sa cellphone ko.

56 Missed calls.

43 Text Messages.

All from Niccolo.

Napabuntong hininga ako. Bago binura ang lahat ng mensahe niya ng hindi binabasa. Para ano pang saysay na pakinggan ko ang mga dahilan niya.

Halos mag tatatlong araw din akong nagkukulong lang sa kwarto. Tatlong araw na rin akong umiiyak. Nagmumuni muni. Nag-iisip. At nag se-self pity. Talent ko na atang ma depress at maging kawawa.

Napapikit ako ng mariin. Kailangan ko pang pumunta sa school para sa mga huling papeles na aayusin ko at sa mga clearance forms na papapirmahan ko. Mabagal akong umupo sa gilid ng higaan ko. Napatingin ako sa picture ni mama sa ibabaw ng side table.

"Mama...." Di ko maiwasang pumiyok. Parang batang nagsusumbong. Kung nandito lang sana si mama. Hindi siguro magiging ganito kasakit lahat. Kung nandito siya mailalabas ko lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. Sobrang pasasalamat ko kay papa at sa dalawa kong kuya. Pero kung nandito si mama. Siguradong iba pa rin. Mas maiintindihan niya ako. Pinunasan ko ang iilang luhang kumawala sa pisngi ko.

Inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko sa school. Naligo at nagbihis na rin.

Natanaw kong nakaupo si papa, Kuya Mark at Kuya Jason sa hapag kainan. Tahimik na nag-uusap. Natigil lang nung nakita nilang pababa ako ng hagdan.

"O-Oh anak. Gising ka na pala. Pupunta ka ba sa school?" Maingat at kalkuladong tanong ni papa.

Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti. "Opo pa. Aayusin ko lang po yung requirements ko.

Tumango tango siya.

"Samahan na kita." Matigas na sabi ni Kuya Jason.

"Wag na. Kaya ko na." Pinal kong sabi. Tumingin ako ng diretso sa kanya at ngumiti. Pati si Kuya Mark ay napatingin din sa akin. Gusto kong malaman nilang tatlo na kaya ko. Kakayanin ko. Hindi sa ayaw kong humingi ng tulong. Pero gusto kong makita nilang kaya kong mag move on sa ganitong bagay. Sa ganitong kaliit na bagay. Tipid akong ngumiti. At saka kumuha ng pagkain.

Pinagpatuloy lang namin ang tahimik na pagkain.

--

Pagkadating na pagkadating ko sa school library ay sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap ni Mrs. Sotelo. Niyakap lang niya ako. Himalang wala siyang sinabi. Naramdaman ko ang pag init ng puso ko at pag iinit ng gilid ng mga mata ko. Sa kauna unahang pagkakataon ata ay nakita kong natahimik ang maingay naming librarian. Sandali kaming nagkwentuhan ng tungkol sa balak ko sa kolehiyo. Pinirmahan niya ang clearance form ko at may inabot sa aking sobre. Gamitin ko daw kung sakaling maisipan kong mag enrol sa Maynila.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon