BELGIAN WAFFLE
Ilang araw ko ng pilit na iniiwasan si Niccolo. Umiwas ako sa mga lugar na pwede ko siyang makita. Kumakain na rin ako sa isa sa mga vacant rooms o kaya sa ilalim ng mga puno na walang tao. I tried avoiding him. Even in their last game ay hindi ako nagpakita. Pinilit ako nila Jen, Abi at Trix na pumunta sa game pero sabi ko eh masama ang pakiramdam ko. Nagmamadali din ako parating umuwi.
Sabado ng umaga ay naka set up na ang laptop ko at ang susunod kong papanuorin mula sa listahan ko ng Saab's Bucket Flicks. Halos wala pa akong tulog dahil magdamag na akong nanunuod ng movie. Pangatlo ko na to kung sakali. Isang mahaba at malaking hikab ang ginawa ko bago kumamot ng tiyan. Pakiramdam ko ay lalo lang akong naging zombie sa antok pero sinusulit ko parati ang weekend kapag mga ganitong wala namang exams. Gulo gulo ang buhok ko na may iilang takas na hibla mula sa maluwag kong pagkaka pony tail.
Bago pa man ako makabunot mula sa mga nakatuping papel sa loob ng jar eh may narinig na akong nag door bell sa bahay.
Sino naman kaya yun? Umalis si papa. At wala naman akong ineexpect na bisita. Weekends for me would mean to spend it alone. I don't have friends to go over our house or vice versa.
Pilit kong itinayo ang sarili mula sa pagkakahimlay sa pinagpatong patong at pinag tabi tabing malalaki at malalambot na unan. Tamad akong bumaba ng hagdan at lumakad palabas ng bahay para pagbuksan ng gate ang kung sino mang nag doorbell. Baka si manong kartero lang yun na magbibigay ng sulat.
Napamulat ang mga natutulog kong mata at napatakip ako sa aking pagkakahikab ng masalubong ang pamilyar niyang mga mata.
"Are you avoiding me?" Nakatingin sa akin ng seryoso si Niccolo. Ang itim niyang mata na sinasalubong ang titig ko. Na para bang naghahanap ng mga kasagutan.
Natigilan ako at walang maisagot. Hindi ko alam ang sasabihin.
"Yes..." I said simply. Napatingin ako sa hawak niyang supot. Huminga ako ng malalim at humawak sa gate. Nakabukas ang pintuan pero nakaharang ako na para bang ayaw ko siyang papasukin.
Lumambot ang ekspresyon ng mata niya nahaluan iyon ng sari saring emosyon at pagtataka.
"What did I do wrong Saab... tell me." He was about to reach a hand pero nahalata kong pinigilan niya iyon. Humawak na lang rin siya sa malamig na gate ng bahay namin. Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko masabi sa kanya ng harapan na nakita ko sila ni Giselle noong isang araw.
He looked down and massaged the bridge of his nose. "I'm sorry. If there's anything.... I'm sorry." He looked up and met my eyes. "I just thought that finally you're opening up to me." Pagod siyang ngumiti at inabot sa akin ang dalang plastic. "That's belgian waffle I saw you eating one at the cafeteria sometime ago. Thought you might like it." He turned around and walked a few steps before stopping. I can feel my heart getting heavy and heavy. Pakiramdam ko eh magkakasakit na ako sa kung ano anong tumatakbo sa isipan at puso ko. He turned and looked at me and walked back. Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong doon ang puting sobre na kinuha niya mula sa back pocket ng kanyang pantalon. "I already bought you a ticket. I'll wait for you outside your village on the day of the con-"
"You don't have to-"
"No Saab please... " He breathed heavily and closed his eyes. "I'll wait okay? I'll wait." Pakiusap niya.
Minutes passed and I was left there standing holding on to the belgian waffle and the concert ticket. Undecided of the choices running through my head.
--
Nakalipas ang isa muling Linggo at ni anino ni Niccolo ay hindi ko nakita. Kung dati ay halos umiwas ako ngaun naman eh kahit na napapadpad ako sa lugar na pwede ko siyang makasalubong eh hindi ko siya nakikita. Para bang tinulugan niya akong iwasan ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/16392578-288-k218953.jpg)