Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TRIPLE SCOOP ICE CREAM
"Okay group yourselves into three." Anunsiyo ng Journalism teacher namin pagkadating na pagkadating sa room.
The thing I hate most in school is the groupings. How can I possibly group myself with others if I'm already counted as one.
'Sa laki mong yan pang tatluhan na yang bilang mo! Isang grupo ka na taba!' Naalala kong sabi sa akin ng kaklase kong lalaki noong minsang sinubukan kong makihalubilo at maghanap ng kagrupo.
Bago pa man ako makatayo sa upuan ko para magsabi sa teacher namin na kung pwede na lang ako mag-isa sa project ay tinawag na ako ni Jennifer.
Not in my name of course but the usual name she mistook for my name.
"Taba dito ka sa amin grumupo." Hindi siya humihingi ng permiso. Inuutos niya.
Itinuro ni Jennifer ang upuan malapit sa kanila. Yung dalawang kaibigan niya ay kapwa nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.
Mabagal ang ginawa kong pagtayo at pag-ayos ng mga notebook, papel at mga ballpen kong nagkalat sa lamesa. Dinampot ko rin ang itim kong messenger bag mula sa sahig at naglakad patungo sa kinauupuan nila. Habang papalapit ako ng papalapit ay mas umasim pa ng umasim ang mukha ng dalawang kasama ni Jennifer. Papasa na ang dalawa para sa mukhasim contest ng isang brand ng sour cubes na ginagamit na pampaasim sa Sinigang.
"Mrs. Montes! Would it be okay if we take her in? Wala po siyang kagrupo." Jennifer pointed a thumb at me. She even pouted like she pitied a homeless dog, or a pig. Yumuko si Mrs. Montes para tingnan kami mula sa suot niyang salamin at saka tumango. Bumaling sa akin si Jennifer at inutusan akong umupo. "Sit." Not in the human kind of way of course. More of like talking to a dog to do a trick. A magic trick.
Umikot si Mrs. Montes at nagbigay ng mga assigned sections namin para sa ico-cover ng aming grupo sa school newspaper publication.
Nang abutin ni Jennifer ang inabot sa kanya ni Mrs. Montes ay umasim ang mukha niya. And we have a winner. Sabi ng isang bahagi ng utak ko.
Nang makalayo si Mrs. Montes ay agad na humarap si Jennifer sa dalawa pa naming kagrupo. "Girls I want the sports section! Get it now!" She hissed under her breath while handing the piece of paper to the girls.
Tumayo yung dalawa niyang kaibigan at nagmamadaling hinanap ang papel ng sports section para makipagpalit. Umayos ng upo si Jennifer at pinagmasdan ko kung paano niya hinawi ang mahaba at rebonded na buhok. Nung magtama ang paningin namin ay ngumiti lang siya sa akin ng ubod ng tamis.
Ano kayang kailangan niya? Sa isip-isip ko. Hindi niya naman ako isasama sa grupo kung wala siyang kailangan. Alam ko yun dahil maraming beses na sa tatlong taon na magkaklase kami na nangyari yun.
Naaalala lang tayo ng mga taong nakapaligid sa atin kapag may kailangan sila. I know I'm not wanted nor needed often. But when I am, it's only because they want something from me.