24: Nata De Coco Yogurt

16.5K 462 31
                                    

NATA DE COCO YOGURT

Ever wonder how the ending of fairytale stories will play out if sleeping beauty or cinderella's fairy godmothers turn up late or didn't show up at all?

Well now that I am waiting for my fairy godmothers Jen, Abi and Trix, I'm starting to think of all the possibilities. Of all the tragic possibilities.

I know they'll be here any minute now.

That's what I kept on repeating for the last five hours. Well for the rest of the day today since this morning during our first class, my so called fairy godmothers didn't show up. 

"Ano ba hija?! Magbibihis ka ba o huhubaran pa kita?!" Iritableng tanong ng baklang organizer ng event sa school grounds ng beauty contest. After class magsisimula ang contest. Mag aalas sais na at may kaunting preparasyon pa ang kailangan at maya maya ay sisimulan na rin ang contest. Kitang kita ko kung paanong iritadong tumingin sa hawak na clip board ang bakla at parang may hinahanap. Bahagya pa akong nagulat sa pagsigaw niya ng pangalan ko. "Sabrina Mendrez, tama?! Aba pumunta ka na sa tent number four ng maayusan ka na ng mga kaklase mo. Ni hindi nga kita nakitang umattend sa limang practice session nitong beau con tapos bigla ka na lang susulpot na parang kabute." Umisang pasada muna siya ng tingin sa akin bago ako tinalikuran. 

Natigil akong yun sa sinabi ng organizer. Limang practice session ng beau con? Wala namang nabanggit sa akin sina Jen. Sabi kasi nila eh simpleng beauty contest lang ito. It was actually arranged for a good cause. Para sa isang orphanage na tinutulungan ng school namin. The exact same thing na nakapag papayag talaga sa akin. Bawat estudyante kasing sasali ay additional na tulong para sa orphanage.

Sinabi ni Jen na maghanda lang ako ng gown at talent. Dahil rarampa lang naman daw kami at mag peperform. Nanlalamig ang buo kong katawan. Naglakad ako papunta sa tinuro ng organizer. Nang mapadako ang paningin ko sa back door ng covered court na malaki ang pagkakabukas ay lalo akong kinabahan. Nagulat ako sa laki at bongga ng event na ito. Talagang halata mong pinag kagastusan ng school ang contest na ito.

Patuloy ang maingay na pagkalabog ng puso ko kasabay ng beat ng tugtog na pinapatugtog sa loob ng covered court.

May mga naka setup na malalaking white tents sa kabuuan ng open school grounds sa likod ng covered court ng school kung saan ako dapat pumunta at kung saan nandoon na ang ibang mga contestant. Sa kabilang side ng court ay may naka setup na isang malaking stage na pa-letter T. Na may rampahan at malawak na stage sa gitna. Malalaking mga ilaw ang naka setup sa mga gilid ng bleachers na nag sisilbing spotlight ng stage. Punong puno na rin ang kabuuan ng court. Iba't ibang banners ang dala ng iba't ibang mga estudyante mula sa iba't ibang sections at year. Halos lahat kasi ng school year ay kasali. Kaya ang mga contestant ay halong mga freshman hanggang senior. Sa isang side ng stage ay ang lamesa ng panel of judges. Sa likod nila ay may nakaharang na railing kung saan nakatayo at nagsisigawan na ang ibang mga supporters at classmates ng mga contestant. Bukod sa nakatayong mga estudyante at mga guro sa palibot ng stage ay napuno rin ang mga nakaupo sa bleachers. Maingay sa loob ng court at puro sigawan at palakpakan. Hindi pa man nagsisimula ay ganito na kainit ang kompetisiyon. Hindi ko na namalayang nakahawak na ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko. What have I gotten myself into? 

Dahan dahan akong napaatras at nakabangga ng kung ano.

"S-Sorry po." Nakayukong sabi ng lalaking nakabangga sa akin. Lalo lamang siyang nataranta ng makita ako. "Miss Saab!" Gulat na sabi niya. "S-Sorry po talaga! Naku hindi po kita nakita!" Natatarantang sabi niya sa akin at umilang ulit pa ng yuko.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon