42: Spaghetti With Meatballs

15.4K 439 116
                                    

SPAGHETTI WITH MEATBALLS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SPAGHETTI WITH MEATBALLS

Today is Friday. Game 3. Score is all one for both teams.

Naiwan akong nakatulala kung saan naglakad si Niccolo palayo sa akin. Pagkatapos niya akong yayaing makipag date ay hindi ko na natanggal ang ngiti sa labi ko. Nakakatuwang isipin na possible palang umabot kami sa ganito.

Matapos ang ilang minuto ng pag mumuni muni ay napagpasyahan ko ng umalis sa school. Iniligpit ko ang mga libro at notebook at ipinasok iyon sa itim kong messenger bag. Pati na rin ang itim kong REPORTER'S NOTEBOOK na kanina ko pa sinusulatan at malapit ko ng matapos. Isa-submit ko na kasi iyon kay Jen dahil siya naman ang huling mag e-edit at mag dadagdag pa ng mga detalye para sa mga natitirang laban ng Black Wolves.

Napatingin ako sa kabuuan ng school grounds na wala ng katao tao. Naririnig ko na rin ang maingay na pag dribble ng bola sa di kalayuang court at nagkikiskisang tunog ng mga sapatos sa sahig.

Napatingin ako sa aking relo. 1:30p.m. Maaaring nagsisimula na sila ng warm ups. Mga bandang alas dos ay magsisimula na ang laban.

Naglakad na ako palayo at sa palabas ng walk way papunta sa gate ng school. Sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang pigura ng lalaking patpatin na may buhat buhat na isang gallon ng water jug. Ang isang kamay naman ay may dalang brown basket na puno ng mga kulay puti na parang tuwalya.

"Aries!" Tawag ko na kahit nasa malayo pa. Kitang kita kong halos manginig na ang kamay niya sa pagbubuhat ng mga iyon. Napansin ko kung paanong ang patpatin niyang katawan ay hirap na buhatin ang water jug at ang isang brown na basket sa kabilang kamay. Nagmadali akong salubungin siya habang mas nilakasan pa ang pagtawag. "Aries!!!" Tinaas ko ang kamay ko. Huminto siya sa pagbubuhat at inilapag ang water jug na dala at saka tumingala.

Umaliwalas ang mukha niya at ngumiti ng makita ako. Kumaway din siya. "Ms. Saab!" Ganting bati niya. "Kumusta po?" Tanong niya ng makalapit ako.

"Okay naman ako... uhmmm.. kailangan mo ba ng tulong?" Alok ko at akmang kukunin sa kanya ang brown na basket na punong puno nga ng malinis na puting tuwalya.

Agad niya naman iyon iniiwas sa akin. "Naku! Hindi na po! Mapapagalitan pa ako ni boss Niccolo. Baka sabihing pinagbuhat pa kita." Nahihiyang sagot niya.

Tinignan ko siyang maigi. Kung paanong ang pawis niya ay tumutulo sa kanyang noo pababa ng kanyang leeg. Mayroon na ring mga pulang marka sa kanyang palad mula sa mahigpit na pagkakakapit sa handle ng mga dala niya. Sinubukan ko ulit kunin ang brown na basket. Pero iniiwas lang niya ulit. "Tutulungan na nga kita Aries." Pangungulit ko pa rin.

Paulit ulit siyang umiling na para bang ang pagbubuhat ko ng isang brown na basket ng puting mga tuwalya eh lalong hindi makakatulong para hindi siya makasama sa line-up ng starting five.

I've seen the kid play. He's good. Needs more practice but he's definitely good. Napanood ko ng minsan silang mag practice noon at kung tutuusin eh kayang kaya niyang maka tres ng mas madalas pa kaysa sa iilang senior players ngaun ng Wolves. At mukhang siya yung tipo ng bata na may pangarap. Lahat kayang gawin para maabot niya ang pangarap na yun.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon