Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HOMEMADE SANDWICHES
"Tabi nga diyan!" Papalabas ako ng pintuan ng classroom ng tinulak ako ni Jennifer. Napadapa ako sa hallway at nagkalat ang mga librong bitbit ko sa sahig. Nagkalat din ang mga pagkaing dala ko. Nalamog na ata yung mga baon kong tinapay.
Lumuhod ako at inuna ko ng inintindi ang pagdampot sa mga nagkalat kong sandwich (Tuna sandwich. Check. Ham and Cheese. Check. Chicken sandwich. Check. Bacon and Egg. Check.) Isa-isa kong bilang at roll call sa pabaon sa aking tinapay ni papa. Pinagpagan ko ang mga plastic na nakabalot sa tinapay ko. Parang may kulang.
Naglakad si Jennifer at pumwesto sa harapan ko bago pumaywang. Kasunod niya ang mga alipores niyang sina Trixie at Abigail na tinapunan ako ng nandidiring tingin.
Napatingala ako sa kanila at napatulala. Ang gaganda talaga nila. Ang ayos ng mga buhok nila pati na rin ang pagkakalagay ng makeup. Wala kang maipipintas. Ang suot na skirt eh mas maikli sa habang pinapayagan sa eskwelahan namin at ang pang itaas na uniporme eh hapit na hapit sa magandang hubog ng kanilang katawan.
Mula sa pagkakatingin ko sa kanilang ulo pababa ng kanilang paa ay napansin ko ang Peanut Butter sandwich. Check. na nakaipit sa paa ni Jennifer. Dali dali akong gumulong at gumapang papunta sa paa niya at pilit itong hinatak.
"Ummm... yung ano ko..." Panimula ko marahang hinahatak ang plastic ng tinapay.
"Ano ba taba!" Diring diri niyang itinulak ang ulo ko na parang pag nadikit ang kamay niya sa akin eh mahahawa siya ng isang nakamamatay na sakit. Kasabay ng pagkakaupo ko sa sahig ay ang pagpupunas niya ng palad niya sa kanyang palda. Pakiramdam ko ay isa akong bolang nag papagulong gulong.
Nahatak ko ang tinapay kasabay ng pagkakaupo ko. Yumuko ako at pinagpagan ko ang plastic ng tinapay. Napasimangot ako ng napansing nayupi na talaga ang tinapay at napunit ang plastic. "Pwede ba taba wag ka ngang haharang harang sa dinaraanan ko. Ang laki laki mo!" Maarte at iritable niyang sabi bago hinawi ang mahaba, light brown at rebonded niyang buhok. Napatingin ako sa kanya at napatulala. Parang nagslow-mo pa yung paglipad ng buhok niya sa ere. Ultimo ata hibla ng buhok niya eh wala kang maipipintas. Walang split ends.
"Hoy balyena!" Trixie snapped her fingers in front of my face. "Nakakadiri kang tingnan. Ang taba taba mo! Wag ka ngang ngumanga diyan! Ewww yung laway mo!"Pakiramdam ko ay totoong naglalaway ako dahil sa tindi ng gutom na nararamdaman ko. Mamamatay na ata ako sa gutom. Napahawak ako sa tiyan kong nagwawala na.
Dali-dali kong itinikom ang bibig ko at tumayo sa pagkakaupo sa hallway. Marami na kasi sa mga kaklase ko ang natigil sa pagkakabara ko sa masikip na hallway.
"C'mon girls. We'll miss the game. I don't want to be late." Sabi ni Jennifer at saka nagsimulang tumalikod.
Ilang iritableng tulak, tawanan, pang-aasar, pangmamaltrato at pang-aalipusta ang pinagdaanan ko bago ko marating ang mabangong cafeteria. Haaaaaay finally! Kulang na lang ay itaas ko ang mga kamay ko at magpaikot ikot habang papunta sa isa sa mga lamesa kaso nakakapagod magtaas ng kamay lalo na kapag mabigat ang braso mo.