37: Cold Apple Tea

17K 488 109
                                        

COLD APPLE TEA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

COLD APPLE TEA

Then Monday came.

Ngaun ang unang araw ng exams para sa fourth quarter namin. Dalawang subjects lang naman ang exam ko ngaun. Half day lang naman ang pasok ngaun. Ngaun din ang unang araw ng laban ng Black Wolves para sa finals.

Sa pagkakaalam ko ay best of three ang labanan ng finals. Hindi ko lang maalala kung anong team ang makakalaban nila. Dahil wala naman talaga akong hilig silang panoorin noon. Ngaun lang talaga.

Kailangan ko din talagang mag a-attend ng bawat laban niya lalo na ngaung finals at pinapa cover din ng school newspaper ang laro.

Mag aalas dose ng matapos akong mag exam. Nauna ng lumabas sa room ang mga kaklase ko. Naiwan akong mag-isa na nagaayos ng mga gamit. Hindi ko na rin nakitang hinintay ako nila Jen. Nawala na lang silang tatlo.

Kinuha ko mula sa bag ko ang aking cellphone at nakitang may iilang text doon si Niccolo.

Niccolo:

Saab, the game starts at 2pm.

How's your exam by the way?

Hey baby I reserved a seat for you on the court side.

Hey....where are you?

Naramdaman ko agad ang anxiety ni Niccolo. Agad akong nagtipa ng isasagot at di na tinignan ang mga sumunod niya pang messages na nangungulit lang naman kung nasaan ako.

Ako:

I'll be there before you know it.

Mabilis nanamang tumunog ang cellphone ko ulit. Nakita kong galing nanaman kay Niccolo ang text. Ano bang ginagawa ng isang to at parang walang inatupag kundi mag text.

Niccolo:

Okay..... Sorry makulit ako. I just miss you. :(

Napailing ako. Kahapon lang eh magkasama naman kami. Para talaga siyang bata.

Ako:

Concentrate on your game. Stop texting. I replied.

Siguradong prenteng nakaupo nanaman siya habang nakasandal sa bench at nakatayo si coach sa harap niya at lumalabas nanaman ang litid sa leeg kakasigaw sa kanyang mag warm up na. Agad kong itinago sa aking itim na messenger bag ang cellphone. Naramdaman ko nanaman ang pag vibrate nun pero di ko na tinignan. Malamang na mangugulit lang yun. Tumayo na ako at lumabas na sa classroom para pumunta sa cafeteria at kumain. Naisipan kong kumain muna ng lunch sa school bago pumunta sa school ng kalaban nilang team. Doon kasi unang gaganapin ang laban nila.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon