FISH N CHIPS
Pagpasok pa lang ni Niccolo sa loob ng court eh halata mong badtrip na siya.
The way he lethally walked inside the basketball court was a dead give away that he's not to be messed with.
Nilapitan agad niya si Ambrose. Niccolo's gaze is sizing Ambrose up. Kapwa sila nagsukatan ng tingin. They positioned themselves inside the court.
An invisible thread of electricity passed through their eyes. And if looking longer you might as well see tiny sparks igniting the way they stare each other down. No words were exchanged as they positioned themselves for the start of the game.
Same built. Same height. Same battle.
A whistle. Then. Jump ball.
Nagsisimula pa lang ang first quarter ay nag iinit na agad si Niccolo. Malakas na sigawan ng mga babae at mga fans ng Wolves ang pumalibot sa court ng mapasakamay ni Niccolo ang bola. Madilim ang kanyang mukha at hindi ang usual na aura niyang cool at easy ang ipinapakita niya ngaun.
Kadalasan kasi ng laban ay at ease siya sa pag dribol, pagpasa o pagtira ng bola. Pero ngaun kulang na lang ay isang dakutin niya ang bola at ingudngod sa mukha ng nagbabantay sa kanya. Si Ambrose. Si Ambrose na easy lang ang bawat pag galaw at pag shoot. Napaka at ease at sportsmanlike niya sa loob ng court. He's like Niccolo. When Niccolo is playing nice.
Napailing ako. At napatingin sa paraan ng pagwawala ni Niccolo sa loob ng court. He's like a wild animal caged for the longest time only to be set free in the wilds again.
We already talked about this. Mukhang kailangan nanaman naming pag usapan. Kailangan ata niya counseling.
Kinuha ko ang biniling Fish N Chips mula sa brown paper bag at sinimulan itong kainin. Di ko pa mapigilan ang pagkawala ng isang mahinang ungol sa sarap ng kinakain ko. Mayroon doong sawsawan ng mayonnaise at ketchup. Kinuha ko ang isda at isinawsaw ito saka isinubo. Napapikit ako. At kumain ulit. Kasunod niyon ay ang isang malakas na pito. Napatingala ako mula sa pagkakayuko.
Nakahiga si Ambrose Parker sa sahig sa ilalim ng ring habang nakatayo si Niccolo sa paanan niya. Niccolo's eyes were blazing with heat and fire. His face is sadistic. And his aura is cold and dark. Lethal like a loaded gun waiting to be fired.
Niccolo raised a hand as the referee called a foul. The foul granted two free throws for Ambrose. Tinulungan si Ambrose ng mga teammates niya. He just smiled and dusted his jersey off from dirt.
Hinatak si Niccolo ni Wally sa isang tabi at binulungnan. Niccolo dismissed him with a hand. Pumwesto na sila sa gilid ng ring habang nag free throw si Ambrose. Nakatayo lang si Niccolo sa gilid at nanonood. Nakapameywang.
Ambrose bent his knees a little. Dribbled the ball thrice then aimed at the ring. He loosely released his hands up in the air shooting. Two free throw shots were made. Lamang ang Jaguars. Nagsigawan ang kabilang side ng court. Ang side na punong puno ng mga yellow banners at uniforms.
Napatingin ako sa orasan. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas mula sa pagsisimula ng laban ay natawagan na agad ng foul si Niccolo. Unang foul.
Kakaibang kaba ang agad na bumalot sa akin. Could I really affect him this much? Could I? I shrugged at the thought and focused on the game.
Nagpatuloy ako sa pagkain at panonood. Kasabay akong napapasigaw at napapatili kagaya ng mga katabi kong mga nakasuot ng itim na damit na may disenyong "Night Howlers" sa likuran. May iba pa ngang personalized jersey shirts at sando na may nakalagay na Arguelles sa likuran nila.
Napangiti ako ng maalalang suot ko ang lehitimong jacket ni Niccolo. Yung jacket na sinusuot niya talaga at napunasan na ng pawis. Yung jacket na nakakapit pa rin ang natural niyang panglalaking amoy.