36: Salted Crackers

17K 522 76
                                        

SALTED CRACKERS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SALTED CRACKERS

Sabado ngaun ng umaga at may usapan kami ni Niccolo na lalabas mamayang hapon. Alam kong magpa practice siya ng basketball so I offered to join him. Malapit na din ang finals at naisipan kong magdala na lang ng review materials sa court habang nag papractice siya. Tutal panonoorin ko lang naman siya. Napagusapan namin na sa Lemery Court mag practice.

Nakaupo ako ngaun at nakatapat sa isang platito ng salted crackers at isang maligamgam na baso ng tubig. Maligamgam daw kasi ang iniinom para hindi makalaki ng puson. Napayuko at napatingin ako sa tiyan ko na malaki naman talaga.

For the past months that I have struggled with dieting, I had developed a love-hate relationship with food. Dieting had been a merry go round for me. Paikot ikot lang. Wala namang nangyayari. Minsan nagbabawas ako ng kain. Minsan naman eh napaparami ako. It has never been a consistent diet plan. So when at times like this na gusto ko nanaman pumayat I always opt to take the risky and unhealthy road.

Crash dieting. Desperate. Ambitious. Dangerous.

Napabuntong hininga ako bago ko muling kinuha ang isang piraso ng salted cracker sa maliit na platito. Sinubo ko iyon at mabagal na nginuya. Walang kalasa lasa. Maalat pa. Parang pakiramdam ko eh kumakain ako ng papel na tuyo at magaspang. Ang hirap pang lunukin. Kahit ata makabente akong ganito eh hinding hindi ako mabubusog. Hindi man lang umabot sa sikmura ko. Kinuha ko ang maligamgam na baso ng tubig para sabayan ng inom ang pagkain baka sakaling mabusog ako sa kakatungga ng tubig. Water diet.

I heard my phone suddenly buzzing against the wooden table. Kinuha ko yun at chineck ang message.

Niccolo:

Good morning babe. I'll pick you up at 4. ;)

Agad akong tumipa ng sagot.

Ako:

Okay.

Agad ko ng inubos ang salted crackers sa platito. Nakainom din ako ng dalawa pang baso ng maligamgam na tubig. Umakyat muna ako ng kwarto para mag patuloy sa pagbabasa at pag rereview ng mga unang subjects para sa fourth quarter exams namin.

Nang sumapit ang tanghali ay tamad na tamad nanaman akong kumuha ng iilang piraso ng salted crackers at kinain iyon. Kagaya nung umaga ay sinasabayan ko lang naman ng inom ng tubig. Pakiramdam ko tuloy ay ang bigat bigat ng tiyan ko sa dami ng ininom kong tubig.

Umakyat ako para magtimbang. That's the thing about desperate dieting, you always check your weight from time to time. Na para bang sa pagkain mo ng kaunti o pag gugutom mo sa sarili mo ay mababawasan ka agad agad ng timbang.

180lbs.

The numbers screamed at me.

Ngaun ang unang araw na nag simula ako ng crash diet program na ito. Dati ay 170lbs lang ako. Kaninang umaga ako huling nagtimbang at nagulat ako noong nadagdagan ako ng sampu. Bumaba ako mula sa timbangan at napabuntong hininga. Akala ko kasi sa pag papakagutom ko sa umaga at tanghali ay mababawasan ako ng kahit isa o dalawang guhit man lang.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon