27: Sizzling Sisig

17.5K 466 50
                                        

SIZZLING SISIG

Tahimik ako habang nakaupo sa katapat niyang upuan. Nasa loob kami ngaun ng isang fast food chain sa isang kilalang sisig house sa San Ildefonso, Cordova.

Ramdam ko ang tahimik niyang pagtitig sa akin na para bang kinakapa niya ang mga nangyari kanina. On my peripheral vision I can see him glancing sideways at me then returning back to his hand atop the table, then looking back at me again. He dared not speak and so did I. Anong sasabihin ko na, "uy lahat ng babae kanina sa arcade house type ka". Pathetic. Just pathetic.

Inabala ko na lang ang sarili sa ibang bagay at iginala ang paningin. May mangilan ngilang kumakain na sa sisig house. Matanda, bata, pamilya, mag nobyo, magkaibigan. Sigurado ko na maya-maya lang kaunti ay dadami na ang tao dito dahil ilang minuto na lang rin at mag tatanghali na. Nakakaramdam na din ako ng matinding gutom.

Pagkalipas ng ilan pang minuto ay dumating na din sa wakas ang order namin dala ng isang lalaking naka white collared polo shirt na may pin sa kanang dibdib na logo ng sisig house. Nakangiti ang lalaki at nilapag ang order namin sa lamesa.

Agad akong inabutan ni Niccolo ng kutsara at tinidor at pinagsilbihan. Sinalinan ako ng kanin na halos nakalahati na ang mangkok ng kaning hawak niya. Napatingin ako sa kanya at natahimik. It struck me as funny how he always supported me in my eating habits. Ni minsan ay hindi niya ako pinigilan man lang o di kaya'y pinagbawalang kumain ng madami. Mas pansin kong siya pa nga itong naguudyok sa akin na kumain lang ako ng kumain. At kahit kailan ay hindi ako nahiyang kumain ng madami sa harap niya. Sinasabayan pa nga niya ako sa pagkain ko ng malaki.

"Masarap tong sisig nila dito. Pramis malilimutan mo pangalan mo." Nakangiti siya habang hinahalo ang itlog sa ibabaw ng sisig at pinipigaan ng kalamansi. Nagsalin siya ng sisig sa plato ko.

Kitang kita ko kung paano umusok at nasunog ang gilid ng sizzling plate dahil sa init nito. Lalo tuloy akong natakam at nagutom. Amoy na amoy ko pa ang bango.

Unang subo ko pa lang ay napapikit at napaungol na ako. Masarap nga. Nagmulat ako at umisang subo pa ulit. Napaungol lang din ulit ako. Tumingin ako kay Niccolo na parang natahimik at nakamasid lang. Seryoso ang mukha. "Sino ka na nga ulit?" Nangingiti kong sambit. I saw his tensed shoulders relaxing. Napangiti na rin siya. Dinagdagan lang niya ang serving ko ng sisig sa plato. At di ko naman siya inawat mang lang sa paglalagay noon.

Abala kami pareho sa pagkain at pagbibiruan ng biglang may grupo ng mga lalaking tumayo sa gilid ng lamesa namin. Maingay ang unang pagpasok nila at unti unting tumahimik ng nakalapit sa lamesa namin. Rinig na rinig ko ang pagsipol ng isa sa kanila.

"Niccolo, pare." Sabi ng isa sa mga lalaking nakatayo sa unahan. Matangkad at moreno ito at may malaking pangangatawan. Sa pagkakasabi niya ng pare ay pakiramdam ko na hindi naman talaga sila magkaibigan ni Niccolo. Something is eery and just out of place. Napatingin ako at napatingala. Nahinto ako sa pagkain.

I saw Niccolo's hand clenching into fist. Before he looked up his face not showing any happiness he had before. Agad akong napaupo ng diretso. Who are these people?

Katabi ng morenong lalaki ay isa pang lalaking kasing tangkad at laki lang rin niya ng katawan. Ang kaibahan lang ay mestiso ito. He had this easy naughty smile on his face. "So it will be your team against us two weeks from now. I suggest you start practicing now." The mestiso guy snorted. Nagtawanan ang mga kasamahan ng mga lalaki. Nasa limang lalaki silang nandoon. Lahat malalaki at matatangkad. And by the looks of it are basketball players from a rival school. Nakasuot pa ang ilan sa kanila ng white jersey jacket na may nakasulat na Tigers. White Tigers.

Niccolo looked bored. Para siyang batang naghihintay ng service bus para maihatid na siya pauwi. Tumingin siya sa akin at binalewala lang ang mga lalaki. "Baby kanin ka pa?" Tanong niya ng makitang halos paubos ko na ang kanin sa plato ko. Ang mga mata niya ay malumanay at maamo. Malalakas na tawanan ng mga lalaki ang pumuno sa kabuuan ng restaurant. I tensed. And from my life experience I already know what was coming.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon