23: Peanut Butter Cups

18K 516 67
                                        

PEANUT BUTTER CUPS

"What's wrong man?" Niccolo effortlessly dribbled the ball in front of player number 5 Rivera. He's watching him with extreme boredom. "You're funny you know. Hindi man lang ako pinagpawisan sa'yo." Niccolo smirked then started dribbling the ball inside the court and easily dodged every other Blue Panther on his way. Naiwan niya na rin si Rivera sa likod na hapong hapo at hindi na makaporma sa kanya.

Niccolo jumped then two players from Blue Panthers strained and jumped to try and block his shot but he easily faked the shot and passed the ball to his wing man Phillip. Phillip held the ball firmly on his big hands and dribbled and easily did a lay up. Another two points for Black Wolves. 76 all.

The two men fist bumped and smiled at each other. Pabirong ginulo ni Niccolo ang basa at magulo na ring buhok ni Phillip. Arguelles sure is a great leader and a team player. He never really was all about him and it's always about the team. Hindi siya sakim sa bola. He gives his teammates a chance to play and to take shots. Kahit na sobrang galing niyang maglaro ay hindi niya kahit kailan kinamkam ang spotlight. He pushes everyone to their feet and lets them discover their full potential. That's the kind of player he is.

Halos hindi na bumaba ang tensiyon at ingay sa loob ng court. Nagkakagulo na ang Black Wolves at ang Blue Panthers. We are already on the last leg. Fourth quarter five minutes left. Pati ang mga reserved players at mga coach ay nakatayo na rin sa kani-kanilang mga upuan. It's crucial time already. Simula noong pumasok si Niccolo ay sampung puntos na lang ang nadagdag ng Blue Panthers at nakahabol agad ang Black Wolves. 28 points. All made by Arguelles. 

Blue Panthers called for a time out. Pagod na nagsibalikan ang lahat ng players sa kani-kanilang mga upuan at agad na inabutan ng mga tuwalya at mga inumin. Niccolo just stood on the side listening to his coach then his eyes training to me. Hindi siya nag fofocus sa sinasabi ng coach niya at tumitingin sa akin.

"Arguelles!" Their coach shouted. "Focus!" Angil ng coach nila. Natawa lang ang teammates niya at ang iba ay palihim na napatingin sa direksiyon ko. Nakakahiya na kulang na lang ay magtago ako sa kinauupuan ko.

Napangiti lang si Niccolo sa coach nila at tinapik ang likod nito. "Easy coach. I am focused." At lalo lang siyang ngumiti. Bumalik ulit siya ng tingin sa akin at nakuha pang ngumiti ulit sa direksiyon ko. Naramdaman ko nanaman ang pag iinit at pamumula ng aking matatambok na pisngi. Napa iling na lang ako. Napatingin ako sa mga upuan katapat ko at nakita kong nakatingin si Giselle ng maigi kay Niccolo. Napabuntong hininga ako. 

Pumito na ang referee at hudyat ng pagtutuloy ng mainit na laban. Nasa Blue Panthers ang bola at idinidribol ni Rivera. Pansin ko na kung kanina ay kalmado at relaxed ang aura niya ngayon naman ay mas gigil ito sa pag handle ng bola. Hinarangan agad siya ni Niccolo ng akmang ididribol nito papasok ang bola para makakuha ng maayos na puwesto upang makatira. Halos magkasing laki sila ng katawan si Arguelles at Rivera. Pareho silang mestizo at matangkad. Pero iba ang bulto at tigas ng katawan ni Arguelles. Para bang madami ng pinagdaanan ang katawan nitong mahihirap na pag eensayo sa basketball. Isang malakas na ingay ang umalingawngaw ng makuha ni Niccolo ang bola mula sa pagpapasa ni Rivera sa isang teammate.

Niccolo run so fast and hard while several players trailed him. May isang player na nakahabol sa kanya at pilit na hinaharangan siya sa pagpasok ng bola sa side ng court nila. Niccolo just bent his body a little more forward and dribbled the ball under his feet towards the left then quickly crossed over the ball to the right leaving the man guarding him with a broken ankle. Sa sobrang bilis niyang mag cross over ay nadulas kasi ang kalabang player at parang natapilok ang paa. Niccolo did an easy lay up at agad na binalikan ang player na humarang sa kanya para tulungang tumayo. The Blue Panther player reluctantly took Arguelles' hand and mumbled his thanks. Tinanguhan lamang siya ni Niccolo at tinapik sa balikat. The crowd cheered and clapped hands. 

Heavy BeautyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon