26: Triple Berry Blend

19.2K 482 94
                                    

TRIPLE BERRY BLEND

Everybody hates Mondays. Plus factor that it's raining. Parang sa kanta lang ni Karen Carpenter. Rainy days and Mondays always get me down.

I looked up to see the dark blue expanse of the horizon. The sky is sad and gloomy. Little drops of rain drizzling, the old cement road is already wet and had several puddles here and there.

Pakiramdam ko ay sinasabayan ako ng langit sa kalungkutan. Sa nararamdaman ko. Napahawak ako ng mariin sa handle ng aking payong. Napatigil ako sa paglalakad ng sinalubong ako ng mga nakatingin at nagbubulungang estudyante. Walang sino man sa kanila ang pumansin sa akin. Lahat ay halos umiwas sa dinaraanan ko.

I heaved a sigh. How much of this bullying should I endure. Will it always be like this for the rest of my life. Ni wala pa ako sa kalahati ng buhay ko. Pag payat ka tingting ka. Pag mataba ka baboy ka. Ganun na lang ba ang magiging pagkakakilala sayo ng tao. Ganun na lang ba ang magiging tawag nila sayo parati.

Dumiretso muna ako sa guidance counselor nung umagang yun para kausapin daw ako sa nangyari. Sinabing iimbestigahan ang bagay na iyon pero sabi ko eh hayan na lang dahil lalo lang magagalit yung mga taong nasa likod nun sa akin. May mga bagay na mas magandang hinahayaan mo na lang.

Isang mabait at masiyahing dalaga ang counselor namin. Masaya siya kausap. Hinatid na niya ako palabas ng office niya at binilinan na bumalik lang sa office niya kung gusto ko. Tumango lang ako. Ngumiti. At nagpasalamat.

Pagkalabas ko ng office niya ay tumila na ang ambon. Napatingala ako sa langit. Bahagyang sumisilip na ang araw sa kalangitan. Tumingala ako at pumikit. Hinayaan kong tamaan ako ng sinag ng araw. At dinama ang init na dala nito.

I felt a tall figure in front of me. Blocking the sun. Nagmulat ako ng mata at bahagyang napaatras sa gulat ng sobrang pagkakalapit niya.

"Morning." Casual niyang sabi. I felt his warm eyes surveying me. Ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng suot niyang black uniform pants ng school. Napatingin lang ako sa kabuuan niya. Unang beses ko ata siyang nakitang nakasuot ng puting polo at itim na uniform pants ng school. A crest pinned on one of the collars of his polo and a logo of the school embroidered on the his left breast pocket.

"Good morning." I greeted back without smiling. My little heart already pounding softly in my chest.

"Saab!" I turned my head to look from where the voice came but the sun's rays blinded my line of vision. I felt a soft body crashing into me. Hugging me above the shoulders. And the smell of an elegant perfume tickling my nose. Jen. On each of my sides I felt Abi and Trix hugging me too.

Lumayo sila ng bahagya pagkatapos akong yakapin ng mahigpit. Hinawakan ni Jen ang magkabilang braso ko. At tiningnan ako sa mata. She's a little bit teary eyed. I felt something warm over my chest. "We heard what happened at the contest. I'm so sorry we weren't able to make it. There's been an emergency-"

Napatayo ako ng diretso dahil sa sinabi niya. "Emergency? Anong emergency? Ok lang ba kayo? Aning nangyari?" Nag aalala at sunod sunod kong tanong kay Jen. Nag palipat lipat ang tingin ko kay Abi at Trix.

Natigilan saglit si Jen sa mga tanong ko. Nang marahil ay nakabawi siya ay ngumiti siya ng matamis at marahang umiling. "It was a family emergency. Sinamahan ako ni Abi at Trix. Pasensiya na at hindi ka namin nagawang kontakin." Paliwanag niya.

Umiling ako at ngumiti. Nakahinga ako ng malalim ng malaman kong okay lang pala sila. Mabuti naman. "Okay lang yun. Ang mahalaga okay naman kayo at walang nangyaring masama." I saw Niccolo standing firmly a little on my side. Nakita ko pang umiling siya at nag iwas na lang ng tingin. I saw his jaw clenching hard.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon