CHEESY LASAGNA
I'm a whooping 170lbs.
Vital statistics are 39-38-42. Pakiramdam ko sa numbers na to eh suswertihin ako sa lotto.
I look like my mom, or so they say. But I have my father's light brown complexion. I'm neither white nor black. Kumbaga sa pagkain eh sakto lang ang pagkakaluto. Five feet four inches tall. Buti na lang at medyo average ang tangkad ko kung nagkataon eh mataba na nga ako eh pandak pa.
Sometimes I wonder how the world will be like if beauty is better if you are bigger. Lahat ng mataba eh maganda. Lahat ng payat o mga slim eh pangit. Ano kayang mararamdaman nila na ang mataba naman ang sexy sa paningin ng lahat. Paano kaya kung kahit isang araw lang bigyan ako ng pagkakataon na ako naman ang manlait sa kanila. Ako naman ang matawa sa mga itsura nila. Dahil sa hindi ko sila kagaya na mataba. Dahil payat sila at nakakadiri ang pagiging mapayat.
But then again I think it would be utterly unfair sa mga nasa skinny side. Di naman din nila kasalanang payat sila or hindi tabain. Mas maganda siguro kung walang ganung klaseng batayan ang mundo. Kung lahat maganda. Kung lahat eh patas.
I woke up with the sound of my alarm. Hindi ako gumalaw mula sa aking pagkakahiga. Hindi ko na rin inabalang magmulat ng mata. Pinakinggan ko lang ang alarm clock kong patuloy lang sa pagtunog hanggang sa mawala na ng tuluyan ang nakakarinding ingay na iyon. Bumalik ako sa pag idlip. Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko ang mahinang yabag ng paa ni papa at ang mahina niyang pagkatok.
"Anak?" Pumasok siya sa aking kwarto at ramdam ko ang pag galaw ng gilid ng kama. Hinawakan niya ang mainit kong braso. At lumipat sa aking noo. "Masama pakiramdam mo nak? Papasok ka ba?"
"Hindi po muna ako papasok pa. Hindi naman po ako nilalagnat..... Parang sinat lang...itutulog ko na lang po muna sana..." Sagot ko ng nakatagilid ng tingin sa kanya.
"May pasok ako ngaun baka gabihin ako. Kaya mo bang mag-isa?"
Marahan akong tumango at pumikit. Ramdam ko pa rin ang kirot ng ulo ko. Napasinghot pa ako dahil na rin sa sipon.
"Ihahanda ko na lang ang kakainin mo sa lamesa. Pati na rin ang gamot mo. Magpahinga ka muna. Tumayo ka maya-maya. Wag kang magkulong dito. Text mo ko pag hindi mo na kaya."
Yumuko si papa at humalik sa noo ko. Maya-maya ay nakaidlip na ulit ako.
Nagising akong init na init. At pinagpapawisan. Medyo maayos na ang pakiramdan ko kumpara kanina. Napatingin ako sa alarm clock. Alas dose na pala.
Pagkatapos kong kumain at uminom ng gamot ay naligo ako at nagbihis. Napagdesisyunan kong lumabas ng bahay at mamasyal.
--
"Ate....ano pong largest size nito?" Mahina at nahihiyang tanong ko sa babae. Ngaun na lang ulit ako nakapamasyal sa clothing store sa mall. Hindi ko na alam kung kelan yung huling bumili ako ng damit. Pinili ko yung babaeng palangiti na nag-aassist sa mall. Medyo maliit siya at makapal ang suot na make up. Hindi siya kagaya ng ibang kasamahan na lalapitan ka lang at magtatanong na kung anong hanap mo pero lahat naman ng hanapin mo eh sasabihing walang ganun.
"Sige mam patingin po." Maligaya niyang kinuha ang damit sa kamay ko.
Napatingin ako sa damit. Pulang plain dress yun na lagpas tuhod ang haba. May sleeves iyon at may kasamang itim na leather belt.
Umupo muna ako sa nakitang sofa habang hinihintay ang pagbabalik ni ate. Maya-maya ay bumalik siya ng nakangiti pa rin.
"Ma'am one size lang po to." Balita niya.
"Ganun po ba." Napalingon ako doon sa dark blue sleveless dress na nakita ko kanina. Pwede ko naman yun patungan ng coat o di kaya'y cardigan para hindi makita ang taba-taba sa malaki kong braso. "Eh yun po ate. Patignan naman po o. Baka may malaking size nun."