SALTED CHIPS
Maganda ka naman..... People would say to me. But as always there's a catch. ..... kaso mataba ka.
Habang lumalaki ako ay mas padalas ng padalas kong naririnig ang mga yun galing sa iba't ibang tao.
Tulak tulak ang maliit na push cart ay bumati ako kay Mrs. Sotelo ang mabait pero maingay naming librarian. Nakakatuwa lang isipin na ang mismong librarian namin ang maingay.
"Good morning mam." Bati ko sa kanya habang kinukuha ang magulong patung-patong na mga libro malapit sa kanya. Isa-isa ko itong isasauli sa mga sections nila.
Part time akong nagtatrabaho sa library. Dahil kailangan to sa community service para sa scholarship ko sa school at para na rin sa college application ko. Bukod doon eh siyempre masaya akong mapalibutan ng mga libro.
"Oh! Nandiyan ka na pala!" Malakas na bati sa akin ni Mrs. Sotelo kahit kaharap lang naman niya ako. Napatingin pa ang ibang mga estudyante sa lakas ng boses niya.
"Opo." Mahina kong bulong. Bahagya akong napangiti.
"Kumusta nga pala ang pag a-apply sa gusto mong college school dito hija? Sigurado ka bang ayaw mong mag Maynila? Sayang kang bata ka matalino ka pa naman din!" Maingay na bungad niya sa akin. Nakakatuwa talaga si Mrs. Sotelo sa lakas ng boses niya ay parang narinig na ng buong library ang kwento ng buhay ko. Napalingon ako sa iilang mga estudyanteng abala sa pagbabasa bago muling humarap sa kausap.
"Okay na po ako dito mam. Baka kasi malungkot si papa pag umalis ako. Ayoko din naman pong mabagot si Kuya Jason, baka wala na siyang maasar." Natatawa kong paliwanag. Minsan na rin kasi niyang naging sakit sa ulo si kuya. Matagal na din kasing kilala ni Mrs. Sotelo ang pamilya namin at hindi na rin siya iba.
Iilan pang kumustahan at kwentuhan bago nagpaalm si Mrs. Sotelo na mauuna ng umuwi. Ibinilin niya sa akin ang library na pasarado na rin naman at kakaunti na rin ang tao.
Iilang libro na lang rin naman ang isasauli ko. Napatingin ako sa isang makapal at itim na librong hawak ko. Tinignan ko sa may gilid kung saang section ito at ganun din ang card catalog nito.
AISLE - G No. 15
Napatingin ako sa medyo tagong section na iyon ng library. Medyo malayo layo ito. Napalingon ako at nakitang tumayo at umalis na ang huling tao sa library.
Huminga ako ng malalim. Nagiging matatakutin na ako sa kapapanood ko ng mga horror movies.
Marahan kong itinulak ang push cart at tumulak na papunta sa Aisle G. Nang malapit na ako ay binuhat ko ang libro at dahan-dahang naglakad.
Hindi ko pa man tuluyang nadudungaw ang Aisle G ay nakarinig na ako ng mahihinang tawa ng babae. Naramdaman kong nagtatayuan ang balahibo ko sa katawan. Huminga ulit ako ng malalim bago ako sumilip ng unti-unti.
"Oh my..... Niccolo." Natatawang sabi ng isang babae. Nakapilig ang leeg nito sa kabilang gilid kaya hindi ko siya mamukhaan bukod sa madilim sa parteng ito ng aisle.
Niccolo's head is titlted down. Kissing the girl's nape. His polo uniform unbuttoned.
Nakaupo ang babae sa isang maliit na ladder at nakapulupot ang isang kamay sa batok ni Niccolo. Lumayo ng kaunti si Niccolo sa babae kaya nakita ko ang mukha nito.
"Joanna?" It was almost a whisper when I said it. But it was loud enough for them to hear. Pareho silang napatingin sa direksiyon ko. It was too late for me to hide. Niccolo tensed up at agad na napabitaw sa babae. Na out of balance pa ng bahagya si Joanna. Niccolo on the other hand looked so guilty. I looked back at Joanna. She was a little red not of humiliation but of the fury she felt at the sight of me.
