CASHEW POLVORON
Pagkatapos kong maligo at mag ayos papasok sa araw na iyon ay nagmamadali akong bumaba sa hagdanan. Napatigin ulit ako ng isa pang beses sa pink kong wall clock. Late akong nagising dahil late akong nakatulog sa pagmumuni muni sa nangyari kagabi.
Pagbaba ng hagdan ay nakita ko agad ang malaking bulto ng kuya kong naka upo sa may hapag, nagkakape. Napabagal tuloy akong bigla mula sa pagbaba. Mula sa pag inom sa baso ay matalim na tumingin sa akin si kuya. Marahan akong nagpatuloy sa pagbaba ng hagdanan. Maingat akong lumapit at nag baon ng mga may palaman ng tinapay sa lamesa. Ramdam na ramdam ko ang init ng titig sa akin ni Kuya Jason. Saktong pagpasok ni papa mula sa dirty kitchen at may hawak na isang mangkok ng umuusok na bagong saing na kanin.
"Oh anak! Kumain ka muna bago pumasok." Masiglang bati niya sa akin saka ipinatong ang kanin sa hapag.
Ewan ko kung bakit pero ramdam na ramdam ko ang matatalim na tingin sa akin ni kuya. Ni hindi ko mabaling ang leeg ko sa direksiyon niya kung hindi pa siya nagsalita.
"Anong oras ang uwi mo?" Seryosong tanong ni kuya ng hindi ngumingiti.
"H-Ha?" I heard his question. But I just can't really help but ask if I'm hearing him correctly.
"Susunduin kita." Sabi niya.
"Wag na kuya." Pigil ko.
"Pupuntahan kita mamaya." Ulit niya na para bang wala ng makakapigil sa kanya.
"P-Pero..."
Maingay ang ginawang pagtayo ni kuya dahilan kung bakit napatigil ako sa pagsasalita. Lalo tuloy akong nangliit sa pagtayo niya dahil sa laki at tangkad niya. Para siyang kapre.
He smirked sarcastically. "You don't associate with that boy Sabrina. Do you hear me?" Matigas niyang sabi.
"Niccolo and I are just friends kuya, stop overreacting." Bumaling ako kay papa at humingi ng tulong. "Papa...." Tawag ko.
Marahang tumawa si papa. "Jason stop acting like a strict dad. I trust Saab, okay?"
"Shut up dad." Bumaling ulit sa akin si kuya. Dad smirked and winked at me. "I trust her. I don't trust him. He hasn't even earned an approval from me." Kuya jerked his head to the door. "You'll be late. I'll see you later baby girl."
I looked over to dad one more time and he's raising his left hand with the three middle fingers pointed upward just like in the movie of The Hunger Games. I can hear dad saying to me, "may the odds be ever in your favor."
Bagsak ang balikat kong lumabas ng bahay. There's no age limit to a family. Regardless of how old you get I think I will always be the baby girl of the house. And they will always be over protective of me.
--
Niccolo:
Good morning baby! See you later at practice?
Matagal kong tinitigan ang hawak kong cellphone. At paulit ulit ko lang binasa ang text sa akin. I couldn't bring myself to even type a reply. Tinago ko ang cellphone sa aking bag at pumangalumbaba.
I contemplated on some things. Surely my brother will pick me up later. And surely Niccolo won't attend the practice if I'm not there. Yumuko ako sa lamesa ko at pumikit. I think I'll just talk to Niccolo about it. Na kung pwede sanang dumistansya muna siya.
Nagsimula at natapos ang klase. Tanghali ng mag ring ang bell sa eskwelahan. Nauna ng naglabasan ang mga kaklase ko sa akin samantalang nanatili akong nakaupo at tahimik sa upuan ko.
