KARE-KARE WITH BAGOONG
Kinaumagahan ng Sabado ay binuksan ko agad ang pink kong laptop para manood. Hindi ng isa sa mahabang listahan ko ng Saab's Bucket Flicks kung hindi ay para manood ng mga fitness tutorial videos sa youtube. Nanood ako ng mga iba't ibang klase ng exercise para sa mga lawlaw na taba sa braso, pampa slim ng matabang hita, ganun na rin sa pampa impis ng palapag ng mga bilbil. May mangilan ngilan akong videos na sinubukan at tinandaan. Pawis akong naupo at nanood muli.
Mula sa mga videos ng pampapayat ay nakapunta ako sa mga pagkain na dapat at hindi dapat kainin. Ang mga pagkain na dapat ay iniiwasan ng mga taong nag da-diet.
Ilang videos na ang napanood ko ng makaramdam ako ng gutom. Tumingin ako sa wall clock at nakitang mag tatanghali na pala at na-realize kong hindi pa nga pala ako kumakain ng umagahan.
Nagpasya akong bumaba para kumain. Nakahain doon ang special recipe ng Kare-Kare ni papa. May nakaipit na puting note sa ilalim ng kaserolang nag uumapaw sa sarap ay bango ng ginamit na peanut sa Kare-Kare.
Kumain ka ng mabuti anak. Wag magpapagutom. Lumabas ako ng bahay. Hindi na kita kinatok dahil mukhang tulog ka pa.
- Papa
Humila ako ng isang upuan sa lamesa at tiningnan lamang ang Kare-Kare. Inamoy kong muli ito na naguumapaw sa bango at tiyak na masarap. Katabi nito ay isang mangkok ng bagoong na siguradong mas mag papasarap sa pagkain ko. Tiyak kong mauubos ko nanaman ang isang kaldero ng kanin.
Napabuntong hininga ako nang maalala ang videos na kanina'y napanood ko. Ang mga tinandaan kong exercise na kailangan kong gawin kung sakaling nagising ako isang araw at sawa na akong maging mataba. Na ayoko na ganito ako kalaki na mas malaki pa ang braso ko sa mga lalaki kong classmate at papasa ng hita ng isa sa mga kaklase kong babae. I want to look good. To feel good about myself. Napabaling nanaman ako sa Kare-Kareng nasa harapan ko. Napabuntong hininga ako. Pero mukhang hindi pa ito ang araw na iyon. Mas matindi ang pananabik ko sa pagkain. Totoo nga namang mahirap labanan ang temptasyon.
I felt that guilt. Guilt of not having control in my appetite again. Na naparami nanaman ako ng kain. Gusto kong pumayat pero mas gusto ko ang kumain. Na ang hirap hirap pigilan ang mga bagay na gusto mo. That like I'm a small innocent child who can be easily tricked with candies and chocolates. I hate that I love eating. And I hate that I can never have that control of losing weight. No matter how much I try. Or how badly I want to loose weight. I fear that I will always choose food over everything else. And that I will always be powerless when it comes down to this.
--
"Hi!" Masayang bati sa akin ng boses ng isang pamilyar na babae.
Napalingon ako mula sa pag susulat sa aking notebook. Nakaupo ako sa isang bench sa lilim ng isang malaking puno sa open field ng school.
It was Katrina. Niccolo's ex.
Napatayo ako at hinarap siya. She extended a hand towards me. "I know we haven't been introduced formally before. I'm Katrina. Niccolo's ex." She smiled sweetly at me. Her lips pouted seductively. And a stress on the word ex is so noticeable. Like it was mandatory to introduce yourself and tell people that you are the ex of the hottest basketball player in school.
Tinanggap ko ang kamay niya at pilit na ngumiti. "Sabrina."
"Yes I know you. Everyone in school knows who you are." She smiled again. Something hanging in the air with what she said.
