6: Rocky Road Ice Cream

22.8K 630 55
                                    

ROCKY ROAD ICE CREAM

I always believed in fairy godmothers. Para sa akin ay may kanya kanya tayong fairy godmother na magpapakita lalo na kung kailangan natin ang tulong nila. Na sa isang kumpas lang ng makapangyarihan nilang wand ay magiging maganda tayo sa paningin ng iba.

Nung bata ako parati kong ini-imagine na kaya ako papayatin ng aking fairy god mother. Sa isang hampas lang ng kanyang wand ay gaganda ako. Papayat ako. At magugustuhan ako ng mga tao. Pero kagaya ng ibang panaginip eh magigising at magigising tayo sa katotohanan. Katotohanang hindi pwedeng magbago ng dahil lang sa ilang kumpas ng kahit ano pang makapangyarihang wand.

Naisip ko din na hindi kakayanin ng ilang hampas lang ng wand. Kailangan ata eh hazing.

Sino ba namang babae ang makakatanggi sa kagwapuhan at kakisigan ni Arguelles. Kahit sinong babae ay magkakandarapa, magmamakaawa para makapartner niya man lang sa ball na yun. I remember the feeling when I answered him earlier. I looked into his eyes. And I said 'No'. I am Sabrina Mendrez. And I'm not just any other girl.

The look on his face is priceless. And for a fact I was sure. That Arguelles was never used to hearing a 'no' for an answer. From his smug smile his jaw tightened a little and then laxed. He titled his head a little and regained composure returning his disbelieving smile.

I wanted to give him a polite answer some this and that and a little more that I don't do parties. But I want to save him from the lies and just be done with it, so I did what I do best I stayed silent and looked out the window. He didn't bother to ask again.

Nicollo Arguelles is bad news. I trust my judgement. I know one. When I see one.

I silently walked up the front porch. Nagulat ako ng makita ko si Kuya Jason na nakahalukipkip at nakasandal sa pintuan.

"Sino yun?" Tanong niyang wala ng paligoy ligoy pa.

"Kaklase ko." Tipid kong sagot habang nagtatanggal ng sapatos.

"Lalaki?" Tanong niya ng nakataas ang isang kilay.

Napasimangot ako. Kailan pa siya naging chismoso. Sinimangutan ko siya at nilampasan na.

Pinigilan ako ni kuya ng hawakan niya bigla ang braso ko. Nilingon ko siya. "Remember Saab, bawal kang mag boyfriend." Striktong paalala niya. 

Natawa ako at hinatak ang braso ko. "Boyfriend ka diyan." Inirapan ko siya at pumasok na sa loob ng bahay. 

"Papa nandito na po ako." Bago pa man sumagot si papa ay naamoy ko agad ang mabangong ulam na niluto niya. Adobo.

"Aba! Nandito na pala ang anak kong maganda at seksi!" Pahayag ni papa. "Magpalit ka na ng pambahay at ng makapaghain na."

Lumapit ako para humalik at magmano sa kanya. "Tulungan na po kita maghain." Prisinta ko.

Tinapik ni papa ang kamay ko para sawayin ako. "Huwag na. Magpalit ka na muna ng pambahay anak. Kayang kaya na to ng Kuya Jason mo." Malambing na sabi ni papa sa akin bago bumaling ng atensiyon kay kuya at sumigaw, "Hoy Jason! Aba! Anong hinihintay mo Pasko? Maghain ka na. Gutom na si Saab!" Bumaling ulit ng tingin sa akin si papa. "Hala sige akyat na anak." Ngumiti pa siya sa akin at kumindat. Natawa na lang ako ng nakita kong kakamot kamot na tumayo si kuya mula sa sofa at itinigil ang paglalaro ng Play Station para sundin ang utos ni dad.

Patakbo akong umakyat ng kwarto at nagpalit ng pambahay. Matapos noon ay kumain kaming tatlo ng masaya at puno ng asaran. Noong nakaraang linggo pa umalis si Kuya Mark pabalik ng Manila. Kaming tatlo na lang ulit ang naiwan dito. At siguradong matatagalan nanaman si kuya bago makabalik dito sa San Ildefonso.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon