MINT CANDIES
"Girls!!! Oh my gosh!" Humahangos na tumakbo palapit sa amin si Trix at pawis na pawis. Exaggerated siyang naghawi ng buhok at nagpaypay ng kamay sa mukha.
Nasa kalagitnaan ng pag re-retouch si Jen at napataas kilay na napatingin lang siya kay Trix at kunot noong nakatingin lamang si Abi.
"What is it?!" Iritableng tanong ni Jen ng masyado nang natagalan sa paghahabol ng hininga si Trix. Hingal na hingal kasi ito mula sa pagtakbo kanina.
Mula sa malakas na sigaw kanina ay lumapit si Trix sa amin at bumulong. "Someone from the other section heard Giselle, the nerd, our very own batch president vomiting inside one of the cubicles sa west building." Excited na balita ni Trix.
Agad na napatakip ng bibig si Jen at Abi sa gulat marahil sa narinig. I sat motionless beside them. The scene from Niccolo and Giselle talking weeks ago dawned on me. I don't know why I'm feeling a little unwell about it. It isn't my business anyway. So what if they're having a baby. A baby Niccolo doesn't even want to father. A thought slipped my mind.
Naaawa ako kay Giselle. Imagining how it would be like for her to be a single young mom with no one to father the child. I felt a cold feeling wash over me. I remember how Niccolo was brutal and direct about the fact that he disowns his own child. I could only imagine how it'd be like for Giselle the intelligent golden girl to be talked about behind your back and the pressure to tell your parents on your condition would not just be hard but painful.
"What a slut." Jen slowly mouthed at umayos ng pagkakaupo. Bumulong na rin siya kay Trix. "Who's the father?" Uhaw na tanong ni Jen.
Nagkibit balikat lang si Trix. "And there's more. Some girls heard her crying about the baby's mystery father." Trix said as if disgusted.
"Ew. I'm sure he's just about another nerd in school. You know birds of the same feather flock together." Abi said harshly.
"Ow my gosh. This should be known by all." Jen took out her phone from her little golden purse and typed something. Abi and Trix did the same. They were all busy and all too consumed with the news. They might be sending news to everyone in school. The dirty journalism stuff.
Tahimik akong tumayo at lumabas ng kwarto. I need to do something about this. I don't know Giselle but I certainly do know Niccolo.
--
I found myself walking silently on the field of our school. Medyo hapon na at makulimlim. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko pero patuloy lang ako sa pag hakbang. Nang biglang may kung ano akong nabunggo. Napamasahe ako sa balikat kong tumama sa kanya.
"Ow." I said massaging my left shoulder. Napatingin ako sa kaharap kong babae na minasahe din ang balikat niya.
"S-Sorry. Nakaharang kasi ako dito kaya nagkabanggaan tuloy tayo." Nahihiyang hinging paumanhin ni Giselle sa akin. Awtomatikong napahawak siya sa at napahimas sa tiyan niya.
Napayuko yuko din ako at iwinagayway ang kamay ko sa harapan ko. "Naku hindi sorry ako nga itong hindi tumitingin." Pinagmasdan ko siyang mabuti at napansin ang mugto at mamulamula niya pang mga mata. Halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Hawak hawak ko pa rin ang balikat kong bumangga sa kanya medyo malakas din kasi ang pagkakabungguan namin.
Nakapusod ng mahigpit ang mahaba at itim na buhok ni Giselle. Nakasuot din siya ng makapal na salamin at may dalang bag sa kanang balikat. Uwian na din kasi kaya nagtataka ako bakit dito siya napunta sa direksiyon papunta sa court. Na kahit anong lunok ko ay hindi ata mawawala. Bumalik ang mata ko sa maganda at maliit niyang mukha. Siya yung tipo ng babae na hindi na kailangan ng kung ano ano pang kolorete sa mukha dahil maganda na siya. Ang itim at kapal ng kilay niya, ang mga bilugan at maamo niyang mga mata ang maliit niyang ilong at manipis na labi. Ang ganda niya. At sayang lang kung hindi siya pananagutan ni Niccolo. Awtomatiko tuloy na napatingin ako sa impis niya pang tiyan. I felt a hard lump in my throat.