25: Hot Chocolate Milk

17.4K 698 206
                                    

HOT CHOCOLATE MILK

"Presenting the 18 candidates of Miss Sun Crest International. Let's give them a big round of applause." Pahayag ng emcee at naglahad ng kamay sa direksiyon namin. Malakas na palakpakan at sigawan ang sumalubong sa amin habang isa isang naglakad at rumampa sa stage ang bawat kandidata.

Sun Crest International. One of the foundations my mom used to bring me in as a child.

Kasabay ng pagyanig ng kabuuan ng covered court ay ang pagdagundong ng malakas ng puso ko. My chest rising and falling heavily. My palms are turning sweaty. Lumingon ako sa mga kasunod ko sa pila at nakitang poise na poise silang nakatayo at nakapameywang. Halatang sanay na sanay na sila sa gagawin at praktisado na ang bawat lakad at ikot. Lalo lamang akong kinabahan sa mga naiisip. Ibinalik ko ang atensiyon sa stage at pinag aralan ang naunang limang kandidata sa kanilang pagrampa. Iilang kandidata pa ang susunod bago ako. Itinaas ko ang kamay ko at pinagmasdan ang flower shaped wristband kung saan nakasulat sa isang malaking pentyl pen ang numero ko.

Number 11.

Kanina sa tent ay nag plantsa ako ng buhok dahil yun lang naman ang medyo alam kong gawin. Hindi naman ako mahilig mag ayos o mag make up kaya kahit gustuhin kong mag kulot o mag bun ng buhok eh hindi ko magagawa. Saka dahil bitin na rin ang oras eh di ko na rin masusubukang gawin. Bukod doon ay pumasok ang baklang organizer ng event sa tent namin at halos mamula na siya sa galit at pagsigaw sa akin ng makitang ako lang ang gumagawa lahat ng pag aayos. Mabuti na lang at may dala akong pink na lipstick at light pink na blush on na binili ko ilang araw bago mag pageant.

Napatingin ako kay Katrina ng rumampa siya sa stage. Nakasuot kami ng casual wear. Dahil na rin marahil na nasa high school pa lang kami ay hindi pinayagan ng school ang pagsuot ng swim wear o ano mang nagbibilad ng katawan ng estudyante. Bukod doon ay hindi naman talaga ito ang tipikal na beauty contest. Nakaluwag ako ng paghinga ng malaman iyon. Kung sakali naman ay may dala akong short sleeved rash guard at matching knee length shorts. And I just couldn't imagine kung gaano ako pagtatawanan ng kabuuan ng school kapag nakita nilang rash guard ang suot ko sa swim wear part kung sakali man. I'm sure that I'm making history. First time ever sa kahit anong beauty contrst na rash guard ang suot sa swim wear competition.

Napayuko ako at napatingin sa kabuuan ng suot ko. I'm wearing a bright yellow, below the knee length sleeveless dress. Of course with a baby blue cardigan. The magic of cardigans, jackets, sweaters or any cloth to cover up my big flabby arms. I'm also wearing silver killer heels. The heels making a groaning sound against the hard cement floor of the backstage. 

Napabalik ang mata ko sa stage. Pinagmasdan ko ang kabuuan ni Katrina. Nakasuot siya ng isang sexy acid washed jumpsuit na pinailaliman ng isang maitim na tube. Tinernuhan niya iyon ng isang white strapped killer heels. She looked so beautiful as she strutted her hips with the music. Naglakad siya ng buong kumpyansa. Sobrang lakas ng sigawan sa kanya.

"I love you Katrina!"

"Katrina pa-kiss!"

"Maganda na sexy pa!"

"Sure win na yan Kat!"

Lalong hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Di ko alam kung bakit parang mainit ako na malamig ang pakiramdam. At ni hindi bumagal ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang daming nag cheer kay Katrina. Iilang mga lalaki pa sa gilid ang sumipol at sumigaw sa pangalan niya na parang halos sambahin na siya ng mga ito. Maganda siya, maputi at sexy. She's petite yes pero ang kumpyansa niya sa sarili ay nag uumapaw. Iba pa rin talaga kapag alam mong maganda ka. Mas madali lang para sayong maging kampante sa sarili mong balat. Umikot si Katrina sa gitna ng stage at taas noong pumaywang saka nag flying kiss sa crowd.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon