FISHBALL AND SQUIDBALL
Isang malakas na ring ng bell ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Halos lahat ng mga kaklase ko ay nagmamadaling mag ligpit ng mga gamit para makauwi na.
Alas kwatro na ng hapon. Lunes ngaun at kakasimula nanaman ng bagong linggo. Bumalik na rin si kuya ng Maynila pero bago yun ay marami muna siyang naging bilin sa akin lalong lalo na kay papa na kailangan daw akong bantayan maigi ni papa. At wag daw basta basta palapitan sa kung sino sino.
Kinuha ko ang celphone mula sa aking itim na messenger bag. Eight missed calls and five text messages mula kay Niccolo ang sinimulan kong basahin kasabay ng pagliligpit ng mga libro at notebook sa aking lamesa.
Niccolo:
Practice game later at 4pm. See you?
Saab. Are you coming?
Should I come and get you?
Di mo ba papanuorin practice ko?
Baby. Please. Where are you? :(
Nangingiti at naiiling ako sa sunod sunod na text ni Niccolo. Mabuti na lang pala at naka silent ang phone ko. Ang dami niyang texts at missed calls. Di talaga makahintay ang isang yun.
"Where are you going, Saab?" Nagulat ako at napatingin sa gawi ni Jen. Her long black shiny hair is still the same. And her face powdered and dolled up like Abi and Trix. It still is a mystery to me how some girls are really good with make up.
"Ummm....manunuod ako ng practice game ni Niccolo."
Natigilan siya saglit. "Really? Then let's go. Manunuod din kami." Anyaya niya at nauna ng lumabas. Agad ding sumunod sa kanya si Abi at Trix.
Tahimik akong sumunod sa kanilang tatlo. Nang makarating kami sa loob ng covered court ng school ay agad naming nakasalubong si Niccolo na papalabas. Muntik pa niyang mabangga si Abi sa kamamadali.
"Ow hey! Niccolo where are you going? Start na ng practice ninyo right?" Gulat na tanong ni Jen. Her voice so sweet I'm having a toothache.
Napabaling ng tingin sa amin si Niccolo at agad na nagtama ang paningin namin. Nakita ko siyang parang nagulat at nakahinga ng maluwag. Tipid akong ngumiti sa kanya. Marahan siyang lumapit sa akin at di pinansin o binati man lang sina Jen na nasa harapan ko.
"Akala ko di ka na pupunta. Di ka man lang nagrereply. Susunduin na sana kita eh." Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ito. Kumalabog ang puso ko. Mabilis akong napatingin kina Jen. Nahiya ako dahil baka kung anong isipin nila. Kunot noong nakatingin din sila sa magkahawak kamay namin ni Niccolo pabalik sa aming dalawa. Babawiin ko sana sa gulat at hiya pero mas hinigpitan lang ni Niccolo ang hawak at hinatak na ako papasok ng court. Kumaway na lang ako bilang paalam sa tatlo. Kinuha niya mula sa akin ang bag ko at inalalayan akong maupo sa gilid ng bleachers malapit sa kanila. Inilapag ni Niccolo ang itim kong bag sa gilid ko. Suddenly he crouched in front of me, his legs enclosing my bended knees. Napatingin ako sa kanya. He stared back. And smiled. "Hintayin mo ko ha. Ihahatid kita pauwi. Text mo si tito para di rin mag alala." Tumango tango akong yun sa sinabi niya at sinimulan ng mag text. I feel my heart throbbing inside my chest. Pounding hard and loud. Di rin nakaligtas sa akin ang mga mapanuring tingin ng ilang fan girls ni Niccolo sa mga bleachers, kasama na nila Jen at ng mga teammates ni Niccolo. Nanatiling nakatingin ang mga mata ko sa cellphone ko kahit na na-send ko na ang text kay papa. Di ko magawang salubungin ang kanyang mga mata.