BUTTERSCOTCH BROWNIES
"So anong feeling na wala pang March eh graduate ka na?" Pang aasar ko kay Niccolo habang naglalakad kami papasok ng village namin. Dahan dahan kaming naglalakad. Pirmi siyang nakahawak sa kamay ko. Di man ako sanay eh pinagbigyan ko na lang.
Nilingon ako ni Niccolo. Seryoso pa rin siya at tahimik simula sa pag commute namin pauwi. Hindi niya dala ang kotse niya kaya naman ay nag commute lang kami.
Marahan niyang isinasabay ang magkasalikop naming daliri sa bawat naming paghakbang. Ang mukha niya ay may malalim na iniisip. Kanina pa siyang tahimik at hindi nagsasalita.
Sumeryoso ako at tumigil sa paglalakad. Napatigil din siya. Humarap sa akin. Nakayuko at nakatingin sa kanyang sneakers. Hindi niya sinasalubong ang mga mata ko. He played with his shoes. Kicking the pavement.
"Hey Niccolo....." Untag ko na nagpatingin sa kanya sa akin. ".....you did well. You were always my favorite player inside the court." Mahina kong sinuntok ang dibdib niya ng libre kong kamay. Napangiti siya. Tumingin sa akin saglit bago nag iwas ng tingin. Pero nakangiti pa rin.
Ano mang mood ang meron siya eh gwapo pa rin siya. Hindi nakakasawa tignan. Hindi nakakapagod.
Sinubukan kong pagaanin ang loob niya. On our way home ay nakatanggap siya ng text mula kay Wally na natalo ang Wolves sa Game 1. Sa susunod na bukas ay simula na ng Game 2. Tahimik na kinuha ni Niccolo ang isa ko pang kamay sa aking tagiliran. Marahan niya iyong itinaas at hinalikan iyon sa likod ng aking palad. Ibinaba niya iyon at sabay na tumingin sa akin. Nanatili kaming magkahawak kamay at magkaharap. Ngumiti siya. At bumuntong hininga. "Cheer up Niccolo." Tumingala ako at sinalubong ang mga mata niyang nangungusap. "Always know that I'm proud of you. Fouled out or not." Kumindat ako na lalo lang niyang ikinangiti.
Kinagat niya ang pang ibabang labi habang pasimpleng gumagapang ang kamay sa aking balikat para umakbay. "Tara. Iuuwi na kita. Watch my game tomorrow okay?" Bilin ni Niccolo sa akin.
"Ako pa ba ang mawala sa game mo? Ako kaya ang number one fan mo." Pahayag ko. Na ikinagulat ko. Naramdaman ko ang agarang pag init ng aking pisngi. Napatigil siya mula sa paglalakad at sinalubong ang aking mga mata. His eyes were lingering. Hoping for something. Mabilis akong napakagat sa dila ko at nag iwas ng tingin dahil sa paninitig niya. Ako at ang matabil kong dila. "T-tara na." Nauna akong maglakad at kumawala mula sa pagkakaakbay niya.
I heard him whispering about me being his number one fan. Lalo ko lamang binilisan ang lakad. Nakakahiya talaga.
--
Ang sumunod na araw ay napuno lamang ng exams at marami pang exams. Naging abala kaming lahat sa pag eexam. Tuwing pagkatapos ng exam ay nag titext din si Niccolo. Buong araw kasi ang exam ngaun ng mga Wolves dahil hindi sila naka exam noog Lunes. Ngaung Martes nila kukunin ang in-exam noong Lunes kasabay ng ngaung Martes. Kaya naman buong araw daw siyang magiging abala. Hindi niya na din daw ako ma-me-meet sa lunch at hindi niya na rin ako maihahatid pauwi dahil pagkatapos ng kanilang exams ay didiretso na sila sa court para mag practice.
Bukas ay doon pa rin sa home court ng Yellow Jaguars gaganapin ang Game 2. Sa hapon ulit pagkatapos ng morning exams. Hanggang gabi din daw mag pa-practice sila Niccolo at mas lalong magiging mahigpit sa kanila si coach ngaun. Tiyak ding mapapagalitan ng husto si Niccolo dahil sa pag kaka foul out niya.
It was a first. He was never fouled out from a game. Not even during his freshman days. Ngaun lang. Ngaun lang siya na foul out. At ngaun pa talaga kung kailan mas kailangang hindi siya pwedeng ma foul out. He's always been so cool and collected and clean inside the court. Ngaun lang talaga ata siya nag init ng ganun.