OVEN-ROASTED CHICKEN BREAST
May mga taong may ritual pagdating sa pagbili ng damit.
Sabi nila kapag payat ka kailangan mas maluwag ng bahagya ang bibilhin mong damit para may allowance.
Meron namang mga matataba na bumibili ng damit na mas maliit ang size sa kanila. Para daw kapag pumayat sila e masusuot nila yung damit.
Napatingin ulit ako sa itim na spaghetti strap dress na naka display sa mannequin. Napaisip ako kung ano ako sa dalawang klase ng taong yun.
Inisip kong kung ako kaya eh bumili ng mas maliit na size na damit sa akin... may posibilidad kayang masuot ko siya sa di nalalayong hinaharap?
Napailing ako at natawa. Inisang haplos ko pa ang malambot na tela ng damit sa palad ko. Ang malambot nitong tela ay ramdam na ramdam ko sa aking mga palad. Napaka simple lang ng damit at walang ano mang buttones o burloloy. Isang mahabang itim na dress na may slit hanggang tuhod. Bahagya pa itong may kurba para kumorte at umayon sa katawan ng sino mang magsusuot niyon.
Little black dress kumbaga. Na parang napapanuod mo sa isang pelikulang puno ng mga mahika. Kung sino man ang magsuot niyon ay mag-iibang anyo at magiging maganda o di kaya ay magkakaroon ng magandang hubog ng katawan.
Napailing ako sa sarili kong imahinasyon. Paano ako papayat kung hindi naman ako nauubusan ng bukas.
Napabuntong hininga na lamang ako sa isiping iyon.
'Dress nicely.' Naalala kong sinabi niya bago kami maghiwalay. Binigyan pa talaga ako ng sakit ng ulo ni Niccolo. Di ba niya alam na puro reporter's vest, jogging pants, sweatshirts, o di kaya ay mga oversized t-shirts at maong pants lang ang laman ng aparador ko.
Lumingon lingon ako at tinawag ang staff sa boutique na iyon.
"Yes mam?" Tanong niya ng nakangiti.
"Kukunin ko po yung damit. Yung pinaka malaking size ninyo." Sagot ko.
"Okay mam. Do you want to fit?" Nakangiti pa rin niyang tanong.
Umiling ako. Sigurado naman akong kasya sakin yun kung yung pinaka malaking size nila ang ibibigay sa akin. Isa pa e nakakatamad kayang maghubad ng damit at magsukat ulit. Simpleng pagtaas ng kamay sa akin eh nagmimistulang arm day sa gym.
"Okay then." Akmang tatalikod na siya ng tinawag ko ulit.
"Ummm, miss..." Lumingon siya sa akin. "Saka kukunin ko rin yung three sizes smaller sa pinaka malaking size." I bit my lip. Guess I was both.
--
He parked the car just right in front of this two-story mansion. Ang laki ng bahay nila Niccolo. Ang marmol na gray na nakapalibot sa sahig nila. Ang magandang pintura at desenyo ng pader nila. Ang malalaking bintana na tinatamaan ng sinag ng araw. Ang berdeng bermuda sa kanilang hardin. Ang mga rosas na iba't ibang kulay na nakatanim. Ang malaking gate na gawa sa mabigat at matibay na itim na bakal at ang kabuuan ng bahay ay nagsusumigaw ng yaman nila at ng kanyang pamilya.