20: Buttered Popcorn

18.4K 575 107
                                        

BUTTERED POPCORN

Like all promises they are bound to be broken.

Ilang araw lang naman kami talagang nag walking session. Ni hindi na nga ako umabot sa jogging session. Naalala ko pa kung gaano ako kadesidido nung nakaraang araw pero pag nadistract lang ako ng kaunti eh wala na. Para akong gamu-gamo na naakit sa ilaw ng lampara.

Para ngang mas marami pang cheat day ang meron ako sa loob ng isang linggo. Pag kasi nakikita ni Niccolo na napapagod na ako eh pinapahinto niya na ako agad. O kaya bigla siyang maglalabas ng chocolate bar o candy. Ang mas matindi diyan minsan sa umaga imbes na mag exercise kami eh dadalhin niya ako sa kung saan para kumain. Tapos sasabihin niyang cheat day ko daw muna kasi napagod daw ako kahapon pero nagpahinga lang rin naman ako kahapon at nakipagkwentuhan lang siya. Minsan talaga hindi ko alam kung tinutulungan ako ni Niccolo o sinasabutahe.

Umayos ako ng tayo at tumungtong muli sa timbangang nabili ko. Nakasuot ako ng aking pink undies at katatapos lang maligo.

Pang ilang subok ko na to sa timbangan. Hindi ko na mabilang. Ewan ko ba. Alam ko namang kahit ulit ulitin kong timbangin ang sarili ko eh alam ko namang hindi magbabago. Para lang akong nagbilang ng pera para lang siguraduhin kong tama nga ang unang bilang ko.

Napasalampak ako ng upo sa nakasaradong toilet seat ko. Unti unti ko na ding binawasan ng ilang butil ang kanin ko. Butil. Dahil bawat butil ay bilang ko. Bawat butil ay mahalaga. At bawat butil ng bigas ay panawid gutom sa aking kumalalam na tiyan. Pero wala eh. Mas tumaas ng tatlong guhit ang timbang ko. 173lbs. 

Napabuntong hininga ako at tamad na kumuha ng gray na sweatshirt at itim na pajama pants sa aking cabinet. Tinext ko na kagabi pa si Niccolo na ayokong mag walking ngaun. 

Alas siyete ng umaga ng nag-aayos ako ng hapag ng biglang may nag doorbell.

"Ako na nak." Sabi ni papa ng nakitang umamba akong lalabas para magbukas ng pinto.

Pinagmasdan ko si papa palabas ng bahay. Napakunot noo ako. Sino kaya yun? Sumunod ako sa kanya at tumanaw mula sa labas ng bahay at pinanuod siyang buksan ang bakal naming gate. Sa pagbukas ni papa ay nahagip ng mata ko ang isang matangkad na lalaki. Kakaibang pakiramdam ang bumalot sa akin. Nakita ko pang numakaw ng tingin si Niccolo sa akin at pasimpleng ngumiti. Ilang sandali sila nag usap ni papa na hindi ko naman maintindihan o marinig dahil na rin sa distansya ko sa kanila, kaya kahit na magkanda bali bali ang leeg ko ay wala akong narinig. Naunang naglakad si papa papasok at tinanguhan at nilagpasan lang ako.

'Anong ginagawa mo dito.' I mouthed at Niccolo.

He just flashed me his usual grin. At nakuha mo pa talagang ngumiti.

"Good morning." Mahinang bati niya sa akin at marahang ginulo ang gulo gulo ko pang buhok. Nilagpasan niya ako at sumunod lang kay papa na akala mo talaga ay inimbita siya.

Tahimik akong sumunod sa kanila at bahagyang kinabahan sa pinag gagawa ni Niccolo. Naupo na si papa sa dulo ng lamesa at tumabi ako sa kanan niya. Nanatili lang si Niccolo sa tabi ng lamesa at nakatayo.

"Maupo ka na din hijo at saluhan mo kami. Lalamig na ang hinanda kong pagkain." Anyaya ni papa. Hindi ko maitago ang pagkagulat sa mga pangyayari. Ito kasi ang unang beses na nakapasok talaga si Niccolo sa loob mismo ng bahay. At kasabay pa naming kakain ng agahan.

Tinapunan ako ng saglit na tingin ni Niccolo at kumindat habang hindi nakatingin si papa at abala sa pagsandok ng fried rice. Pigil ang ngiting naupo siya sa may kaliwang tabi ni papa.

Heavy BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon