PROLOGO

17 1 0
                                    

Kung alam ko lang kung ano ang magiging papel niya sa buhay ko. Hindi na sana ako tumigil para lapitan siya.

-
Handa akong hintaying ang bawat bukas hanggang sa handa ka nang mahalin ako.

-

Pagkatingin ko sa relo ko ay mag-aalas kwatro na pala. I should go home.

Habang pine-pedal ko ang bisekleta ko ay napahinto ako sa tabi ng tulay. Agad akong bumaba at nagmamadaling tumakbo papalapit sa babaeng nakatayo sa gilid non.

"Miss, huwag kang tatalon!" Pigil ko.

Tila nagulat naman siya sa pagsigaw ko. Hinawakan niya nang mahigpit ang bag niya at dahan dahang umatras paalayo sa akin.

"Diyan ka lang!" Tinaas niya ang kamay niya para patigilin ako.

"Kung ano mang problema mo, Miss... makikinig ako. Isipin mo nalang 'yung mga taong nagmamahal sa'yo."

Kumunot ang noo niya. "Anong pinagsasabi mo? Baliw ka ba?"

"B-Baliw?" Utal ko. Am I hearing her right?

"Iniisip mo bang tatalon ako?"

"Bakit? Hindi ba?"

Bigla naman siyang natawa... sa sobrang tawa niya ay napahawak na siya sa sikmura niya.

"Tsk." Inis kong tumalikod para balikan ang bike ko.

"S-Sandali... lang... hahahahah."

Kinalma niya ang sarili pero medyo natatawa pa rin siya. Pinahid niya pa ang gilid ng mata na niya na namasa na dahil sa katatawa niya.

"Thank you sa concern ah... pero hinding hindi ako tatalon diyan 'no. Puro kaya ebak 'yang ilog na yan." Nandiri ang mukha niya.

"Eh bakit nakasampa ka sa railings? Kahit sino iisipin na tatalon ka eh."

Tumaas ang parehong kilay niya. "Ah..." Napakamot siya sa sentido niya. "...nahulog kasi 'yung salamin ko. Siguro sign na 'yon para bumili na ako ng bago. Suko na siguro siya. Haha."

"Pa'no kung nahulog ka? Nag-iisip ka ba?"

Napahawak siya sa dibdib niya. "Oo naman 'no! Grabe ka naman mang-judge!"

"That's not why I mean." bawi ko.

"Joke lang..." Inayos na niya ang gamit niya. "Anyway highway... thank you sa pag-aalala. Sorry kung naabala kita."

Iyon lang at tumalikod na siya ng mabilis. Nabigla ako ng bigla siyang sumalampak sa lupa. Nadulas ata siya dahil hindi niya napasin na hindi patag ang nilakaran niya.

"Ah!"

"Okay ka lang?" Inalalayan ko siya.

Nakita ko ang pagngiwi niya. Tsaka ko naman napansin ang galos sa tuhod at palad niya.

"I'll bring you to the hospital." Umakma akong bubuhatin siya.

"Teka, wait!" Pigil niya. Dahan dahan siyang tumayo habang hawak ang dulo ng paldang suot niya. "Malayo naman 'to sa bituka... okay lang ako. Pwede mo na ko iwan dito."

"Sa ganyang lagay mo?"

"Huh?" Naguguluhang sabi niya. "Okay lang ako. Pramis, peksman. Mamatay-ay! Huwag 'yon. Basta okay lang ako."

"Let me help you clean your wounds..."

Dahil hindi naman siya pumayag na buhatin ko siya ay pareho nalang kaming naglalakad sa sidewalk. Iika ika siyang maglakad habang ako naman ay hawak ang bike ko.

"Baka hinahanap ka na sa inyo... okay lang naman kasi ako. Wala namang pari na lalabas dito."

"Pari?"

Napansin niya sigurong hindi ko naintindihan ang sinasabi niya.

"Huwag mo nalang masyadong isipin 'yung sinabi ko hehe."

Mga ilang kanto lang ay may nadaanan rin kaming drugstore. Pinaupo ko siya sa may waiting area para bantayan ang bike ko habang ako naman ay pumasok para bilhin ang mga dapat kong bilhin. Pinilit niya pa na ibigay ang wallet niya sa akin pero hindi ko iyon tinanggap.

"I'll do it..." Saad ko pagkabalik ko.

Lumuhod ako sa harap niya para maabot ko ang sugat niya. Nagsimula na akong linisin iyon at tsaka nilagyan ng malaking band-aid ang tuhod niya.

"Thank you...???" Tumabingi ang ulo nito.

"Kenji..."

"Hmm." Ngumiti naman siya. "Thank you, Kenji. Isa kang anghel na binaba sa lupa."

I smirked. "So, I'm a demon or like something evil?"

Bumilog ang mga mata niya. "Ayon ba 'yon? Sorry... saviour nalang. Baka may sabihin ka pa ah?"

Mahina akong natawa. "I'll take that."

"Yown, natawa rin. May nakapagsabi na ba sa'yo na ang pogi mo tumawa?"

"W-What?"

That was the first time someone told me that ng harapan. She doesn't really hesitate to say what's on her mind 'no? Interesting.

"Wala. Baka lumaki ang ulo mo. Oh siya... hanggang dito nalang tayo. Thank you ah! If ever na magkita ulit tayo, ako naman ang manlilibre sa'yo."

"Really?"

Tumango siya. "Hmm, bye. See you when I see you!"

"Wait..."

Tumigil naman siya sa pagkaway.

"You haven't told me your name..."

"Ah! Oo nga." Natawa siya. She offered me her hand. "Luna."

Inangat ko ang kamay ko para kamayan siya.

I hope we see each other again soon... Luna.

*****

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon