KABANATA 38

2 0 0
                                    

-BASTE-

ELEMENTARY. Grade 5 ako noon nang may mag-transfer sa klase namin. Wala naman akong paki-alam dahil hindi naman ako interesado sa mga kaklase ko.

"Anong pangalan mo?" Bati ng bagong classmate namin sa akin.

Dahil ako lang ang walang katabi ay awtomatikong doon siya mauupo sa bakanteng pwesto sa tabi ko. Mas maigi sana kung tahimik nalang siya.

"Sebastian." Tipid kong sagot.

"Ah, Baste!"

"Ano?" Inis kong sabi.

"Nickname mo." Sagot niya. "Baste."

Hindi ko na siya pinansin. Bakit naman kasi wirdo pa ang itinabi sa akin ni Ma'am Fe.

"Luna ang pangalan ko."

"Pake ko."

"Dapat may pake ka kasi seatmate na tayo." Nakangiting sabi nito.

"Bahala ka."

-

High School. 2nd Year.

Nakatambay ako sa court ngayon dahil inaya ako ng mga kaklase namin na maglaro ng basketball. Sakto rin naman na hinihintay ko si Luna pauwi kaya sumama nalang ako sa kanila bilang pampalipas ng oras.

"'Di ba kaibigan mo 'yung Luna, Pre?"

"Oo."

"May boyfriend ba 'yon?"

"Wala. Bakit?" Pinigilan kong mainis dito.

"Reto mo naman ako. Ang ganda ng kaibigan mo eh. Crush ko na nga."

"Hindi pwede."

Nagtaka siya. "Bakit naman?"

"Basta." Simpleng sagot ko sabay kuha na ng bag ko.

Sunod akong dumiretso sa classroom nila Luna.

"Oh, bakit nandito ka na naman?" Nakangiwing bungad nito.

Ginulo ko ang buhok niya na ikina-inis niya naman. Nakakatuwa siyang tingnan kapag naiinis.

"Tsk! Ano ba!"

"Uwi na tayo." Aya ko.

"Oo, sandali."

"Bakit?"

"M-May inaayos lang."

Matapos non ay dumiretso na kami palabas ng school. Napansin kong kanina pa siya hindi mapalagay at parang may gustong sabihin.

"Sabihin mo na." Simula ko.

"Ha?"

Hinarap ko siya. "May sasabihin ka 'di ba?"

Natigilan ito at nag-iwas ng tingin.

"Ano?" Ulit ko.

"L-Lilipat na ako ng school next school year."

Natigilan ako sa sinabi niya. "B-Bakit? May nambubully ba sa'yo?"

"Wala 'no! Bakit mo naman naisip 'yan?n"

"Eh bakit nga? Ganon ka ba kainis sa akin para iwan ako?"

Nabigla siya sa sinabi ko. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Ang babaw ko naman kung ganon."

"So, bakit ka nga aalis?"

Nag-alangan ito sandali. "Sabi kasi ni Mama eh. Para din mas masanay ako sa Manila kapag nag-college na ako."

"Eh pa'no ako?"

"Anong pa'no ka? Alangan isama pa kita?"

Hindi na ako sumagot. Tahimik lang kami hanggang maihatid ko na siya sa inuupahan niya at tsaka dumiretso naman ako sa bahay namin.

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon