KABANATA 1

12 1 0
                                    

Makalipas ang isang buwan.

-LUNA-

DAHIL best in late nga ako, late na naman ang ate mo. At sa first day of class pa! Wow, amazing! Nagdahan dahan nalang ako sa paglalakad dahil late naman na ako. Ano pa bang hahabulin ko 'di ba?

Iniisip ko tuloy kung ganito pa rin ako sa college. Next year ay college na kami. Sana hindi na ako late.

"Late ka na naman," Bati ni Mang Toni sa akin. Ang school guard namin.

Kilalang kilala niya ako dahil sa pagiging late ko lagi. Talagang isinabuhay ko ang Filipino Time. Pwede na nga siguro akong maging patron ng mga late kung gugustuhin ko eh.

Patron saint of Lateness 'Luna Celeste Bautista'. Ganda pakinggan 'di ba?

Nahihiya akong ngumiti. "Ilang minuto palang naman, Kuya Toni."

"Oh, ikaw late ka rin."

Napalingon ako sa sinita niya. Pinasadahan ko ang buong katawan niya pero hindi ko maisip kung sino 'tong nasa harap ko.

Well, bilang isang solid Elenian ng Elena National High School halos kilala o pamilyar na ako sa mga estudyante rito. Apat na taon na ako dito 'no!

"Sorry po. I just transferred here."

Wow, english! Mukhang yayamanin naman. Bakit nag-public school pa siya. Ang puti puti baka bukas makalawa wala nang bisa ang gluta drip niya.

"Anong year mo na?" Tanong ko.

Aba dapat friendly. SSG ata 'to!

Natigilan siya nang tingan niya ako. "Twelveth grade."

Ba't parang alanganin naman ng paglipat niya? Ay, labas na ko don. Hindi ko naman anak 'yan. Go lang, basta napasok sa school. True? True!

"Ako na bahala dito, Kuya Toni." Sabi ko naman.

Tumango naman siya. "Sige. Samahan mo na rin sa classroom niya."

Sumaludo naman ako. "Yes, sir!"

Pagkapasok namin sa gate ay hiningi ko agad ang enrolment slip niya.

"Naiwan ko." Napakamot siya sa batok niya.

"Eh? Nakalagay pa naman don kung anong section mo."

"I know my section."

Pumalakpak ako. "Sana sinabi mo agad! Anong section mo para masamahan na kita sa room mo."

"Section 12-A."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Uy, si classmate pala 'to eh!" Natawa ako. "Section 12-A din ako. Buti nalang! Tara na."

Dahan dahan akong kumatok sa pinto ng classroom namin.

'Sana walang teacher. Sana walang teacher' Dasal ko.

"Oh? Late ka na naman Bautista ah!"

Alanganin akong ngumiti. "Sor---"

"She assisted me, Miss."

Tumabingi ang ulo ni Ma'am Richel para silipin ang nasa likod ko.

"Ahh... ikaw 'yung transferee?" Tanong niya.

Tumango naman ang lalaki.

"Okay, pasok na. Umupo ka na, Luna. Ikaw naman, dito sa harap ka muna." Utos ni Ma'am.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabilis akong naglakad papunta sa upuan ko. Napasin ko pa si Baste na nakatingin sa akin habang naglalakad ako. Inismiran ko ito na parang nagyayabang na hindi ako nasermonan dahil sa pagiging late ko.

Love You Tomorrow (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon