-LUNA-
MASWERTE akong hindi namugto masyado ang mata ko dahil sa iniyak ko kagabi. Habang tulog pa si Lucille ay mabilis akong kumilos para tingnan ang lagay ng kanang paa ko. Iyon kasi ang natapilok sa akin.
Medyo namamaga iyon at nagsisimulang mag-iba ng kulay. Agad kong kinuha ang bandage sa bag ko para ibalot iyon sa paa ko. Hindi pwedeng malaman nila ang lagay ng paa ko. Hindi sa pagkakataong ito. Gagaling ang paa ko pero ang chance na 'to ay hindi na mauulit para sa akin.
"Aga mo mag-ayos ah." Bungad ni Lucille pagkalabas ko ng banyo.
"Excited eh." Biro ko.
"Ako kinakabahan na nga." Niyakap nito ang sarili. "Sana manalo tayo."
Tumango naman ako. "Aba, siyempre dapat."
Natatawa itong pumasok sa banyo para maligo na rin. Naupo ako sa kama ko at binuksan ang cellphone ko. Pinatay ko kasi iyon kagabi.
Sunod sunod na lumabas ang missed calls at chats ni Kenji sa akin.
Kenji:
Where are you? (Sent 10:40 pm)
Are you still coming? I'll wait. (Sent 11:00 pm)
Luna? (Sent 11:05)
I'll wait here. (Sent 11:20 pm)
You're currently offline, so I'm assuming you're asleep now. I bought you food but I don't know your room number. (11:37 pm)
I'll go back to our hotel now, Luna. I know you're tired. I'll see you tomorrow. (Sent 11:45 pm)
Goodnight, my Luna. I'll be cheering for you tomorrow. (Sent 11:57 pm)
Nawalan na ako ng lakas na sagutin pa siya. Binuksan ko nalang ang gc namin nila Abby at nabasa kong wala silang klase ngayon kaya makakapunta sila ngayon para panoorin ang laro ko. Ganoorin rin si Mama at si Tita Mel.
Mag-focus ka lang sa laro mo, Luna!
Matapos mag-ayos ni Lucille ay sabay na rin kaming bumaba. Sakto at naghihintay na sila Coach Joy at ang team para makapag agahan na kami.
Ramdam ko rin ang kirot ng paa ko pero binalewala ko nalang iyon. Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na ulit kami sa school kung saan kami naglaro. Malapit lang ang hotel namin doon kaya sa shuttle van nalang kami sumakay para makarating.
Mabilis ko lang ring nakita sila Mama at Abby sa may bleachers. Salamat sa malakas na bunganga ni Timmy.
"LUNA! LUNA! ACKKK! BESSY KO 'YAN!" Sigaw ni Timmy.
"Ma!" Bati ko. Niyakap naman niya ako. Sunod akong lumapit kay Tita Mel para magmano rito.
"Okay lang teh. Huwag mo kaming pansinin." Nagtatampong reklamo ni Timmy.
"Sus, tuwang tuwa lang ang mata mo kasi maraming pogi." Asar ko.
"Truth! Kung alam ko lang sumali na akl sa badminton team eh."
"Oo sana para mahampas kita ng raketa."
"Tita, oh! Ang sama ng anak niyo sa akin!" Sumbong nito.
"Oy." Tawag ni Baste.
Sinimangutan ko ito. "Ano na naman? Miss na miss mo akong asarin 'no?"
Tumango ito. "Wala akong malampaso sa ML eh."
"Kapag ako talaga gumaling, who you ka sa akin."
Natawa ito sabay ginulo ang buhok ko. "Oh, pang-goodluck." Sabay abot nito ng paboritong inumin ko.
BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Romance'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...
