-LUNA-
HINDI ako pumasok ngayon sa school. Bigla kasing tumawag si Mama at nagsabi na ngayon siya darating mula sa abroad. Kasama ko ngayon si Baste na nagpumilit na samahan ako para magpunta sa airport. Wala naman raw kasi masyadong gagawin sa school kaya sasama nalang raw siya sa akin.
"Hindi ka mapakali." Saway ni Baste sa akin.
"Ang tagal kasi ni Mama." Sagot ko naman sabay upo sa tabi nito.
Miss na miss ko na si Mama, siyempre pati si Papa. Dalawang taon na rin kasi mula noong huli silang umuwi dito sa Pilipinas. At kahit palagi kaming magka-usap online. Iba pa rin talaga kapag pisikal mo silang kasama.
"LUNA! ANAK!"
Naramdaman ko ang kalabit ni Baste. Pag-angat ko ng tingin ko ay nakita ko agad si Mama. Hindi pa kami nagkakalapit pero nag-uunahan na ang mga luha sa mata namin.
"Ma!" Sigaw ko sabay salubong sa yakap nito.
Ibang init ang pakiramdam ng yakap niya. Ngayon ko lang na-realize na sobrang miss na miss ko pala talaga siya. Kahit naging normal na sa akin na hindk ko sila kasama ay iba talaga kapag kasama mo na sila.
"Na-miss kita anak, sobra." Bulong nito. Naramdaman ko ang paghalik nito sa ulo ko.
"Ako rin, Ma." Pinunasan ko ang luha ko.
"Welcome back, Tita." Bati ni Baste.
Ngumiti naman si Mama sabay yakap rin dito ng mahigpit. "Salamat sa pagbabantay sa anak ko, Baste."
"Nakakapagod nga po eh." Biro nito na ikinatawa ni Mama.
"Kumusta si Mel? Nabanggit sa akin ni Luna 'yung nangyari sa kaniya ah?"
"Okay lang po. Maliksi na nga po ulit eh."
Panay ang tanong ni Mama sa amin kahit habag nasa taxi na kami. Bakas sa mukha nito ang saya habang nakikinig sa akin na magkwento sa kaniya.
Naka-usap na rin ni Mama si Ate Lora sa dito muna siya sa dorm namin magsstay. Matagal na rin naman silang magkakilala kaya ayos na ayos lang sa huli iyon. Habang masaya silang nag-uusap ay inaakyat naman namin ni Baste sa unit namin ang mga dala ni Mama.
"Oy, penge juice." Saad nito sabay upo sa sala.
"Tsk, hindi pa kumuha." Reklamo ko sabay bukas ng fridge.
Kumuha ako ng bottled juice at isang slice ng cake sabay dala 'non sa kaniya.
"Ito na po, prinsipe."
"Masahiin mo ko."
"Ang kapal!"
Humalakhak naman ito.
Habang nagmemeryenda kami ay bumukas ang pinto at iniluwa 'non si Mama. May dala pa itong container na may mga pagkain.
"Bigay ni Lora. Ang dami nga." Natatawang sabi nito.
Matapos kumain ni Baste ay nagpaalam na rin siya. Nabanggit rin ni Mama na baka pumunta siya sa kanila para makipag kumustahan.
"Kumusta?" Tanong ni Mama.
"Ang alin, Ma?"
"May nanliligaw na ba sa'yo?"
Muntik akong mabulunan sa kinakain ko. "Ma!"
"Bakit?" Tumawa ito. "Nagtatanong lang eh. Tsaka wala namang kaso sa akin 'yon."
"T-Talaga?"
"Oo naman, sa ganda ng anak kong 'yan?" Inayos nito ang buhok ko. "Basta huwag mo lang pabayaan ang pag-aaral at sarili mo."

BINABASA MO ANG
Love You Tomorrow (ON HOLD)
Romance'A perfect teenage life.' Luna Bautista is a very extroverted introvert teen who believes that love comes in it's perfect time. She never had a boyfriend. Merong mga nagpaparamdam pero umaatras din dahil sa pagiging study first niya. And then she me...